Chapter 8

338 33 29
                                    




"Dude, sumama ka na," ang pilit ni Rafa sa akin.


"What do you need me for?"


"I need a wing man."


"Wing man?"


"Oo dude. Farah and her friends will be going to this bar tonight. I need to show up there."


"Sinong Farah?"


"S'ya 'yung sinasabi ko sa 'yong gusto kong pormahan."


"At saan mo naman nasagap 'yang intel mo? Ano, stalker ka na n'ya ngayon?"


"Gago! Nag-usap kami kahapon. Nabanggit n'ya na gigimik sila mamaya ng mga kaibigan n'ya."


"So stalker ka na nga!"


"Ulol!"


"Eh anong tawag mo sa sarili mo? She told you she'll be at that bar and then you'll just show up?"


"Kaya nga kailangan kita eh. Ikaw ang rason ko. I will simply say na ikaw ang nag-aya doon kasi may imimeet kang girl. Simple."


"Fuck! 'Wag mo nga ako gamitin d'yan sa kalokohan mo. And what made you think I'll be going?"


"Dude, we're bestfriends. And bestfriends help each other. You will be helping me by being my alibi and I will be helping you by getting your ass off that couch. Tangina dude, ilang buwan na ang nakakalipas pero hindi ka pa rin makaget over d'yan sa hindi pagsipot ng Cleo na 'yan. Tanggapin mo na lang na you two are never gonna happen."


Rafa's right. It has been 3 months since it happened. Tatlong buwan ng pag-iisip kung bakit hindi s'ya nagpunta. Tatlong buwan na pangungulit sa English prof n'ya. At tatlong buwan na para akong galing sa isang bad break-up. In other words, 3 months na akong parang loser.


"Isa pa dude, I think she's the one. Pangalan pa lang namin ay parang meant to be na... Rafa and Farah. O di ba? Kaya please lang bro, tulungan mo na ako. 'Pag nagkatuluyan kami nito ikaw talaga ang bestman."


"Kasal agad ang iniisip mo eh hindi mo pa nga nililigawan."


"Kaya nga dapat pumunta tayo mamaya eh. Sige na, dude. Minsan lang ako humingi ng pabor sa 'yo eh."


Siguro nga it's about time for me to go out and get my mind off Cleo. "Okay, I'll go with you."


"Yes! Thank you, dude!"



********



At exactly 9:30 we entered the bar called "The West Hangout". Napansin ko agad na ang crowd dito ay mga yuppies na katulad namin. It is a typical bar na merong dance floor, bar, area with couches and tables and chairs and at one side there are closed areas which I assume are VIP areas.

Letters to Cleo #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon