Chapter 18

392 34 25
                                    




"Happy birthday Inigo!" they all said in unison when the clock struck 12. Birthday ko na talaga and I couldn't be happier kasi sila ang kasama kong sumalubong sa special day na ito. Archie lit the candle of the birthday cake Ailee brought. Nilapit n'ya iyon sa akin at kumanta sila ng Happy Birthday Song.


"Make a wish," Ailee said.


My life has never been this perfect but one more thing, or should I say one more person, wouldn't hurt to make it even more perfect. In my head there is only one wish, "I wish to meet Cleo."



********



They all went home around 5 o' clock. Napag-usapan nila kasing hintayin na lang ang umaga. Nakatulog naman kami kahit papa'no. Kanya-kanyang diskarte sa living room. Sabi kasi ni Archie ay bawal umalis sa living room. One for all and all for one daw. Pero si Ailee naiwan para tulungan akong magligpit. S'ya kasi ang may pinakamalapit na bahay kaya she volunteered to help me.


I was in the kitchen when I heard my phone ring. "Inigo, 'yung phone mo," ang sigaw ni Ailee from the living room.


"Pakicheck naman kung sino. Baka sila Rafa lang 'yan."


"Nanay mo," she said kaya bigla akong napatakbo.


"Nanay."


"Happy birthday anak!"


"Thank you po."


"Ginising ba kita?"


"Hindi po, gising na po ako. I will leave in a while po." Nakita kong sumenyas si Ailee na lalabas na s'ya. "Ailee sandali," ang bigla kong nasabi.


"Ailee? Sinong Ailee? May kasama ka d'yan sa bahay? Babae ba?"


"Ah 'Nay, kaibigan ko po. Kasi po sinalubong po ng barkada ang birthday ko dito sa bahay. Kauuwi lang po nung iba. Naiwan po si Ailee para tulungan akong magligpit."


"Girlfriend mo ba s'ya?"


"Hindi po 'Nay."


"Nililigawan? Baka nililigawan mo pa lang pero nagpapaiwan na sa bahay mo. Inigo sinasabi ko sa 'yo ha. Gusto kong magkaapo pero hindi sa ganyang paraan. Gusto ko ikasal ka muna. 'Wag kang uuwi dito at sasabihin sa aking nakabuntis ka."


"Nanay, masyado po kayong over reacting. And besides, kaibigan po namin ni Rafa si Ailee. Hindi ko po s'ya girlfriend o nililigawan."


"Pero bakit s'ya natulog d'yan?"


"Buong barkada po ang nagstay overnight dito."

Letters to Cleo #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon