Chapter 25

503 50 29
                                    




Two weeks. It has been exactly two weeks since the last time I have seen or talked to her. And it's like I'm going through hell.


What have I been doing these past weeks? Well, I've been trying to be productive at work. Masaya naman ako sa trabaho at sa mga katrabaho ko. But when I get home, it's a completely different story. I eat dinner alone. Usually I eat fastfood lang, which I buy on my way home. At night I drink a bottle of beer to help me fall asleep. Minsan tinitignan o hinahawakan ko ang journal namin ni Cleo. Minsan din ay kinakausap ko. I tried to get in touch with my old professor again but she was still on leave. Now how can I sort things out kung ang sagot na inaasahan kong makakapagpalinaw ng pag-iisip ko ay hindi ko mahanap?


And here I am... alone on a weekend again. Ayaw ko munang umuwi sa amin dahil alam kong papaulanan lang ako ni Den-Den at Nanay ng tanong about Ailee. I can't tell them yet that Ailee and I are no longer friends. I don't have the heart to tell them. They'll be devastated. Just like how I am now.


"Iggy?" someone called from outside.


I hurriedly stood up and went outside to find Rafa and Farah.


"O, anong ginagawa n'yo dito? Wala kayong date?"


Rafa looked at his girlfriend before replying. "Dude, we need to talk."


Alam ko kung anong pag-uusapan namin. Siguro nga mabuti nang mapag-usapan na ito and get this over with. Alam kong sesermonan lang ako ni Rafa but what the heck.


Naupo kami ni Farah pagdating namin sa living room habang si Rafa ay nagsimula nang magsalita kahit hindi pa umuupo.


"Anong nangyari sa inyo ni Ailee?"


"Anong alam n'yo?" I asked.


Hindi siya sumagot but instead lowered his gaze. Napansin n'ya ang journal namin ni Cleo sa ibabaw ng coffee table.


"Tangina! Umaasa ka pa rin d'yan sa Cleo na 'yan? Di ba nga hindi s'ya sumipot? Ibig sabihin ay hindi ka importante sa kanya. Kung anong meron sa inyo sa journals na 'yan ay hanggang doon na lang. 'Eto si Ailee, isang maganda at mabait na tao. Gustong-gusto s'ya ng pamilya mo. Alam kong gusto mo rin s'ya pero ayaw mong aminin sa sarili mo. Bakit? Dahil sa isang imaginary friend?"


"I don't wanna be unfair to her. I need to have closure with Cleo."


"Closure? Eh di isara mo na. Wala namang mawawala kung kalimutan mo na lang s'ya eh. You two didn't even meet to begin with."


"I promised myself I'd find her."


"O sige, nandyan na tayo. Kung mahanap mo s'ya ngayon anong gagawin mo? Susubukan mo muna kung magwowork kayo? At paano si Ailee? Mahal ka nung tao at sinabi n'ya pa sa 'yo pero ikaw wala ka man lang maibigay na sagot. Hindi ba pagiging unfair ang tawag sa ginagawa mo? Ngayon pa lang dapat pumili ka na. Kung si Cleo eh di sabihin mo na kay Ailee na hindi pwedeng maging kayo. Kung si Ailee naman eh dapat ibaon mo na sa limot si Cleo. Masyado kang paasa eh."

Letters to Cleo #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon