Chapter 17

437 37 26
                                    




Ailee moved in to the condo one week later. Hindi na n'ya pintagal dahil I gave her the best deal that she couldn't let go of. Lahat ng napag-usapan namin, including the payments that she will hand over to me, ay sinabi ko rin sa parents ko. They were happy with it, too.


On the day that she was set to move in ay tinulungan namin s'ya ni Rafa and Farah. She didn't have much stuff to bring to the condo kaya silang tatlo na lang ang naghakot ng mga iyon galing sa bahay nina Ailee papunta sa condo. Ako naman ay naghintay lang doon at tumulong sa pag-aakyat ng mga iyon. It didn't take the whole day for the transfer to be complete. Most of her stuff are clothes anyway. Sabi n'ya ay s'ya na lang daw ang mag-aayos ng mga iyon sa kanyang cabinet.


Nang bandang tanghali ay nagpunta kami sa pinakamalapit na mall at kumain ng lunch doon. Pagkatapos ay tinulungan naman namin si Ailee na mamili ng mga gamit sa kusina. Ito lang kasi ang kulang doon sa condo. She bought plates, glasses, coffee cups, utensils pati na rin some pats, pans and cooking utensils. Niloko nga namin s'ya na parang naglalaro lang s'ya ng bahay-bahayan pero kulang lang ng kalaro. And being the innocent person that she is ay hindi n'ya kaagad naintindihan. It took her a good five seconds before she reacted.



********



"Iggy, anong oras ka uuwi dito bukas?" my mom asked.


"Maaga po akong aalis dito. Siguro po around 9 nandyan na po ako."


"Okay. Meron ka bang request na putahe para sa birthday dinner mo?"


"Wala naman po 'Nay. Bahala na po kayo. But 'Nay, don't invite a lot of people anymore. I don't wanna have a party."


"Wala naman kaming ininvite. I know that you just want to have a quiet birthday."


"Thank you po."


"O sige anak. Mag-ingat ka bukas ha."


"Opo. I love you, Nanay."


"I love you, hijo."


Hindi ko pa nailalapag ang telepono ko pagkatapos naming mag-usap ni Nanay ay tumunog ulit ito dahil tumatawag naman si Archie.


"Dude! What's up?"


"Nasa bahay ka lang naman ngayon, di ba?"


"Oo. Bakit?"


"We're on our way there."


"What?"


"Surprise!" ang dinig kong sigaw ng ilang tao. Si Don at Dawn ay kasama na rin pala ni Archie sa kotse.

Letters to Cleo #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon