Chapter 16

349 36 30
                                    




Tinawagan ko agad si Rafa pagkatapos naming mag-usap ni Tatay. "Dude, can I have Ailee's number?"


"Wow dude, meant to be 'ata kayo ni Ai eh."


"Huh? What are you talking about?"


"Kakasend ko lang sa kanya ng number mo. May kailangan daw s'ya sa 'yo. Ano, hihingin mo pa rin ba o hihintayin mo na lang s'yang tumawag sa 'yo?"


Kailangan ko pa bang kunin ang number n'ya if she already has mine? Paano kung hindi s'ya magtext or tumawag agad? Would I seem atat to talk to her if call her anyway kahit na alam kong tatawag naman s'ya sa akin? And so what if you call her first? Ako ang lalaki. Ako ang may kailangan sa kanya kaya dapat ako ang unang tumawag sa kanya.


"Oo dude, kunin ko na lang din."


"Sige, I'll send it. Pero teka, bakit mo s'ya kailangan makausap? Aayain mo ba s'yang magdate?"


"What the heck, dude! Anong akala mo sa akin panay ganyan lang ang naiisip? Business ang pakay ko sa kanya. Okay?"


"Okay. Whatever you say."


"Sige na, i-send mo na sa akin 'yung number n'ya."


"Oo na, ito na nga."


"Sige, bye."


Wala pang isang minuto ay dumating na ang message ni Rafa with Ailee's number. And without any hesitations, I dialed her number. On the third ring, my call was answered.


"Hi Babe. Ako ang gago mong ex," ang biro ko sa kanya. Narinig ko s'yang parang nagulat pero pagkatapos no'n ay wala na. Hindi s'ya nagsalita, hindi s'ya sumagot. And that got me worried. "Ai - Ailee, si Inigo 'to. Sorry, joke lang..."


"Si - sino..." she softly said. Shit parang iiyak pa 'ata s'ya! And then, "Sinong niloko mo! Sira ka talaga! Nasa contacts ko na ang number mo kaya alam kong ikaw 'yan."


I heaved a sigh of relief. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung napaiyak ko s'ya ng di oras. "Haaay... akala ko talaga..."


"Ha... ha... ha! Hindi mo ako maiisahan 'no. So, pareho ba tayo ng pakay sa isa't isa?"


"I think so. Are you free tomorrow?"


"Tomorrow? Ang bilis naman."


"Bakit busy ka ba bukas? Pwede naman actually sa ibang araw. Akala ko kasi nagmamadali ka eh..."


She gave a soft laugh... and it sounded so sexy. Hindi ko nakikita ang sarili ko ngayon but I know I'm blushing. And I don't usually blush. Ano bang ginagawa nitong babaeng ito sa akin? Do I like her? Am I crushing on her? Bakit ganito ang effect n'ya sa akin? Dammit!

Letters to Cleo #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon