Chapter 37

315 26 6
                                    


Bago ako umalis ng bahay ko ay ilang beses yata akong tumingin sa salamin kung maayos ba ang damit at itsura ko. At ngayong nandito na ako sa tapat ng bahay nila ay sinipat ko muna ulit ang sarili ko bago pumindot ng doorbell. Damn, this is what being in love is doing to me! Nagiging vain na rin ba ako?

So with two bouquets of flowers on one arm, I finally decided to press the doorbell. At bakit ako kinakabahan? Ganun na ba katagal na wala akong girlfriend that I don't know how it feels anymore to meet the parents?

Someone finally opened the gate and I was greeted by her beautiful smile. "Hi!"

I immediately kissed her lips. When our lips touched bigla kong naramdamang lumabas lahat ng pagkamiss ko sa kanya. I didn't want the kiss to end pero alam kong hindi tamang patagalin ko pa ito. "Hi beautiful. I missed you."

"Awww. Are those for me?" she asked referring to the flowers in my arm.

"Yup! These are for you," I replied while handing her the ones for her. "And these are for your mom. Nand'yan ba s'ya? Good mood ba? Kinakabahan ako eh."

"Ha... ha... ha! Iggy, you are just going to meet my mom, hindi ka haharap sa korte."

"I can't help it. Kinakabahan talaga ako eh. All those other times that I came here before, kinakabahan na ako. Pero ngayong alam kong makikilala ko na talaga s'ya ay mas lalo akong kinakabahan."

"So now you know how I felt when we first told your family?"

"Oo. Ito pala 'yun."

"Pero katulad nga ng sinabi mo sa akin, you don't have to worry about anything. Mama knows how much I love you kaya alam kong mamahalin ka rin n'ya."

"Sana nga." Huminga ako ng malalim at tumingin sa front door nila. "Okay, let's do this!"

Kinuha n'ya ang kamay ko at marahan akong hinila. "Tara!"

"Wait," biglang sabi ko. She gave me a questioning look. "Gwapo na ba ako?"

She held my face and said, "S is for super gwapo. Hindi ka gwapo, Iggy... super gwapo ka."

"Pocheng, ayan na ba ang boyfriend mo?" ang sabi isang babae.

"Ma, opo. Nandito na po si Iggy."

"Pumasok na kayo sa loob."

Nang magkaharap na kami sa kanilang sala ay inabot ko ang dala kong bulaklak para sa kanya. "Para po ito sa inyo."

"Salamat hijo pero hindi ka na sana nag-abala pa."

"Gan'yan talaga 'yan si Iggy, Mama. Sabi ko naman sa 'yo sweet s'ya, di ba?"

"Tama ka nga, anak. Halina kayo sa dining room at nang makapananghalian na tayo."

Nagsimula nang maglakad si Tita papuntang dining room. Ako naman ay hinatak ko si Ailee papunta sa akin. "Mukhang nabenta mo na ako sa mommy mo ah."

She just gave me a wink.

********

So far everything's going well. Masaya naman ang pagkekwentuhan namin. Unti-unti ay mukhang napapalagay naman ang loob ni Tita sa akin. I just hope I don't screw up.

"Ah Tita nabanggit po ni Ailee na taga Batangas po kayo."

"Oo. Bakit, taga roon din ba ang mga magulang mo?"

"Actually po taga doon po ako originally. Doon po ako nag-aral hanggang high school. Lumuwas na lang po ako dito sa Maynila para magcollege. Nandun pa rin po ang mga magulang ko at mga kapatid ko."

"Siya nga? Taga saan ba kayo sa Batangas?"

"Sa Lipa na po ako lumaki pero si Tatay po ay galing sa Taal. Nabanggit po ni Ailee na tumira din po kayo doon. Baka kilala n'yo po ang pamilya namin. Si Carlos Javier po ang tatay ko."

And just as I mentioned my father's name, the smile on Ailee's mom's face slowly faded. I am suddenly reminded of that night when we had my birthday dinner. Parang ganito rin ang naging reaksyon nila Nanay at Tatay.

"Ano Ma, kilala mo ba si Tito Carlos?"

"Wa-wala. Hindi ko s'ya kilala. Ah sandali maiwan ko muna kayo dito. Kailangan ko nang uminom ng maintenance medicines ko. At kung uuwi ka na Iggy ay 'wag n'yo na ako gisingin. Magpapahinga lang ako at parang napagod ako sa pagluluto."

"Okay ka lang Ma?"

"Oo anak. Sige maiwan ko na kayo."

"Sige po Tita. It was nice to finally meet you po. Magpahinga na po kayo. Maya-maya din po ay aalis na ako para maalagaan po kayo ni Ailee."

Hindi na s'ya nagsalita pa ulit at dumerecho na sa kanyang kwarto. I really sense something wrong. Parang unusual ang mga kinikilos nila. I really need to get to the bottom of this. I don't want this to be a problem in the future.

Letters to Cleo #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon