Chapter 39

279 31 16
                                    


I waited for her message or call the whole day yesterday. Kahit ilang texts at missed call ang ginawa ko ay wala siyang sinagot doon. Gusto kong isipin that she's just spending time taking care of her mom but there is still a part of me saying that she's deliberately staying away from me. Nakakapanghina ng loob. And it's so sad to think that after all we've been through before getting to this point, our love is still not that strong for her not to fight for it.

Halos hindi ako nakapagtrabaho ng maayos dahil sa problema namin. She said she'll be going back to her condo on Monday night kaya I looked forward to that. I want to see her. I want her in my arms. I want to feel that all the fear that I have right now are just nonsense.

Kahit magmistulan akong stalker dito sa labas ng pinto n'ya ay okay lang sa akin basta ang kapalit ay siguradong makikita at makakausap ko s'ya.

"Anong ginagawa mo dito?"

When I heard her voice, I instantly stood up and walked up to her. "I wanted to see you."

"Why?" she asked then walked past me.

"Because you're my girlfriend. Are you still?"

Tumigil s'ya sa pagbubukas ng lock ng pinto dahil sa tanong ko. Sorry pero hindi ko 'yun napigilang itanong sa kanya.

"Iggy..."

"Tapos na ba tayo? Ha, Ailee?"

Binuksan n'ya ang pinto at pumasok sa loob na hindi sinasagot ang tanong ko. I followed her inside.

"Please talk to me, Ailee. We need to talk about this."

Nilapag n'ya ang bag n'ya sa malapit na upuan sa kanya. "Gusto mong mag-usap? Sige pag-usapan natin... pag-usapan natin kung paano inapi ng pamilya mo ang nanay ko!"

"S, I understand how hurt your mom is. Kung pwede lang na ako ang magsorry para sa ginawa nila Lolo at Lola, gagawin ko. But that was a long time ago and I can't take that back. Ako ang boyfriend mo. I won't let my parents do that you. Pero alam mo namang hindi nila magagawa 'yun sa 'yo. My parents love you."

"Kaya lang hindi mo rin maaalis sa akin na masaktan para sa Mama ko. At paano na lang kung makilala ako ng lolo at lola mo at malaman nilang ako ang anak nga taong inapi nila, ano sa palagay mo ang gagawin nila? Aapihin din ba nila ako? Iggy, tama na ang isang beses na ginawa nila sa pamilya namin. Isang malaking katangahan naman na yata kung gugustuhin ko pang maulit 'yon."

"But I am not like my dad. I won't let them do that to you. Hindi ako papayag na gawin nila sa 'yo 'yon."

"What are you gonna do, huh? Ako na lang ang kasama ni Mama ngayon. Kung hindi ko s'ya ipagtatanggol, sino pa ang magtatanggol sa kanya?"

"Ako! I will take care of her, too. I will defend her, too. Pero hindi naman kailangang dumating tayo sa punto na kailangang ipagtanggol mo pa s'ya from my grandparents."

"Kung nagawa nila 'yun dati sa Mama ko, pwede pa rin nilang gawin ulit ngayon 'yon sa akin."

"Hindi ko nga hahayaan na gawin nila sa 'yo 'yun, di ba?"

"Bakit kaya mo ba akong ipaglaban kahit na laban sa pamilya? Kapag sila mismo ang nagsabing layuan mo ako, susuwayin mo ba sila? Kasi ako, Iggy, hindi ko kayang suwayin ang Mama ko."

"Are you saying that you're not even gonna give us a fight? Hahayaan mo na lang na ganun 'yon?" ang pasigaw kong tanong ko sa kanya.

"I can't go against my mom. She's all I have."

"Paano naman tayo? Paano ako? Am I not worth the fight?"

She didn't answer. Nagpatuloy lang sa pag-agos ang mga luha n'yang kanina pa nakawala.

"Okay. I guess you've made a decision. I understand now what our parents went through. Nagagalit ka sa pamilya ko for the exact same thing that you and your mom are doing to me now."

She looked away but continued crying. I took it as this conversation is over. She made her decision... she's not fighting for us. She chose to let me go. Masakit and right now I am fuming mad. Pero wala na akong magagawa. Sabi nga ni Tatay, if she's not willing to fight for us then it's not worth it. So I guess, our love isn't worth it.

"I love you so much, Ailee. But if you feel that way ay wala nang patutunguhan ito. I can't make you love me the same way I love you. Kung tapos ka na sa atin, sige tatanggapin ko. Hindi ko na rin bibigyan ang sarili ko ng dahilan para isiping maayos pa natin ito. Ayaw ko nang umasa. Goodbye, Ailee."

I stormed out of the condo. I didn't look back anymore. From this moment on, I will be moving forward. Whatever that means.

Sabi nila ang pagmamahal ay hindi naghahanap ng anumang kapalit. Mali sila. If you are in a relationship, that love should be reciprocated. It doesn't have to be of the same intensity but it has to be reciprocated. Anong klaseng relasyon ang isa lang ang nagbibigay ng pagmamahal? Love is a two-way street. Hindi fair kung ang isa ay bigay ng bigay habang ang isa ay tanggap lang ng tanggap. Hindi pagmamahal ang tawag dun, panggagamit lang 'yun sa isang tao. And I refuse to be used.


********

The next few days were like hell for me. I struggled hard to be functional at work. Tanginang pagmamahal ito! Akala mo okay na ang lahat, 'yun pala it's just setting you up for a fall. Una ipapakita ang magaganda at masasayang bagay, pero kapag nasanay ka na doon ay bigla kang ilalaglag. Ano bang nagawa ko to deserve this? All I did was love her.

My friends found out about the break-up. Sinabi ni Farah kay Rafa at syempre kinwento ni Rafa sa iba. Tinulungan nila akong makalimot... or at least they tried to make me forget. Kapag may oras sila ay pinupuntahan nila ako at sinasamahang maglibang. I don't know if they know the whole story but none of them dared to ask.

Si Farah hindi na rin masyadong sumasama kay Rafa kapag binibisita ako. Hindi ko alam kung galit din s'ya sa akin o nahihiyang magpakita. Rafa became 'guarded' in telling stories. Siguro nag-iingat s'ya mga bagay na ikekwento n'ya. Even the others never made mention of Ailee's name.

They know how much I love her. So I think this is their way of protecting me. They want me to stop hurting but I don't think it can be stopped.

Yes, I said I will move forward but nobody said it was easy. Masakit pa ngayon but I promise to myself I will move on. Kung hindi na n'ya ako mahal at kaya n'ya akong bitiwan just like that, kakalimutan ko na rin s'ya. This is what I have to do.

Letters to Cleo #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon