Chapter 34

464 37 47
                                    




"No?" I am so confused. Kanina lang sabi n'ya ay hinihintay n'ya lang akong magtanong. Pero bakit ngayong tinanong ko na s'ya ay ganun naman ang sagot? "I thought..."


"Nakakainis ka! Ako na lang ba palagi ang unang aamin ng nararamdaman? Nung unang beses tayong nag-away ako rin di ba? Ako na nga ang ayaw ma-fall pero ako pa rin ang unang umamin. And now this. Magpakagentleman ka naman. Feeling ko tuloy ako ang naghahabol sa 'yo eh. Ang liit-liit na ng tingin ko sa sarili ko."


"No. Don't feel that way. Hindi totoo 'yan. Hindi ikaw ang naghahabol sa akin. Ako ang naghahabol sa 'yo. Remember I literally chased you? I'm sorry."


"Sorry? Sorry na naman? 'Yan lang naman ang alam mong gawin eh."


"What else do you want me to do? Just say it at gagawin ko. Gusto mo lumuhod pa ako sa harap mo eh. Gusto mo isigaw ko pa d'yan sa balcony mo na mahal na mahal kita. Ano? Just say it."


"Leave."


"Ha?"


"Just leave."


"No. Not when we're like this."


"Iggy, siguro tama na ito. Maging friends na lang tayo."


"Hindi Ailee. Ayaw ko. I don't want us to be just friends."


"Hindi mo ba napapansin? We are so good at being friends. Ang ganda ng relationship natin. Hindi tayo nag-aaway at magkasundong-magkasundo tayo. Pero tuwing pag-uusapan na natin ang pagiging more than that eh we end up like this. Maybe that's a sign that we're better off as friends."


"Please Ailee. 'Wag namang ganito."


"Iggy, just leave. Pagod na ako. Gusto ko nang magpahinga." I just stood there. Ayaw kong umalis na hindi kami okay. "You know your way out. Papasok na ako sa kwarto," ang bigla n'yang sinabi sabay iwan sa akin.


Nakakafrustrate man pero kailangan ko rin s'yang irespeto. I would have to leave... for now. I guess I am back to square one. Kailangan ko lang ulit s'ya suyuin kahit sinabi n'yang gusto lang n'yang maging friends kami. And suddenly a light bulb lit inside my head. Alam ko na kung anong gagawin ko. She needs to see that we are better if we're more than friends. I will make sure she sees it.


"I'm leaving. Please lock your door," ang malakas kong sabi bago lumabas.



********



"I'm dropping by later, okay? I'm bringing dinner," I told her over the phone.


"Iggy, ano na naman ba ito?" she whined.

Letters to Cleo #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon