Chapter 15

407 40 38
                                    




"So anong work mo?" she asked.


Finally ay pumayag na s'yang bumalik kami sa hotel kaya 'eto kami at naglalakad pabalik.


"Real Estate. Nagbebenta ako ng mga bagong developed na condo nung company."


"Ah talaga? Baka matulungan mo ako."


"Sure. Anong kailangan mo?"


"Eh kasi by January ay magiging area ko na ang south. So Alabang, Las Pinas, Paranaque. Right now I'm staying in Quezon City. Malayo kung south na ang area ko. I need to find a place na pwede kong i-rent."


"Well, condo lang ng bagong tayong buildings ang binebenta ko. Pero magtatanong ako sa mga officemates ko kung may alam sila."


"Sana makahanap ka ASAP so I can get settled in bago mag-New Year. Ilang linggo na lang Pasko na. Isa pa kailangan makalipat na ako agad kasi baka guluhin pa ako ulit ng bwisit eh. Ayaw kong malaman pa ng mom ko ang gulo namin. Mabuti nang umalis ako sa amin at lumipat sa lugar na hindi n'ya alam."


Mas lalong namumuo ang galit ko sa ex n'ya tuwing nakikita ko s'ya habang nagkekwento tungkol dun. She must be really hurting to be this mad at him. I wonder kung anong ginawa nung mokong na 'yon. Naputol ang pag-iisip nang bigla kong naramdaman ang pagvibrate ng phone ko sa bulsa ko.


"Yes 'Nay?" ang sagot ko.


"Inigo, nasaan ka ba? Hindi ka ba uuwi dito sa bahay mo?"


"Nand'yan po kayo?"


"Oo, kanina pa. Pinaglinis ko sila Manang dito. Bakit wala ka pa?"


"'Nay nasa Boracay po ako with some friends. Bukas pa po ng tanghali ang flight namin pabalik."


"Ganun ba? O sige. Dito na kami matutulog ha. Bukas naman ay maglilinis kami dun sa condo sa kabila."


"What condo?"


"Your Tatay also bought a condo near your place. Wala pang nakatira doon. It is actually for Anton pero medyo matagal pa bago namin ibigay sa kanya kaya we were thinking of having it rented out muna."


"So all this time, there's my house and that condo?"


"Oo."


Biglang lumaki ang ngiti ko. Tignan mo nga naman ang pagkakataon. Hindi mo na kailangan hingin, kusa na s'yang dumarating.


"Ah Nanay, I think meron na po akong kilalang pwedeng magrent d'yan. Let's talk about it po when I get back. I'll come home next week. I'll talk to you and Tatay about it."

Letters to Cleo #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon