Chapter 38

288 27 9
                                    


After lunch, we stayed in their living room. Nandun lang kami, nag-usap hanggang malapit nang dumilim. Ailee seems in high spirits while I can't shake off the feeling that something's wrong.

"I think I better go. You should go and check on your mom," I said.

"You won't have dinner with us anymore?"

"Hindi na. Baka kailangan mong alagaan ang Mama mo."

"Sige. Pero saan ka kakain?"

"Sa bahay na lang. May mga leftovers pa naman eh."

"Are you sure?"

"Yeah. When are you going back to the condo?"

"Baka sa Monday night na. From here I'll go straight to work."

"So we won't see each other tomorrow?" ang malungkot kong tanong.

"Aaaaw, S! Ito naman isang araw lang eh. I'm sure we'll be calling each other most of the day."

"Of course. So pa'no, I'm gonna go. Say thank you to your mom for me. I hope she feels better." I leaned over and kissed her. "I love you. You know that, right?"

She smiled. "Of course and I love you, too."

"Sige na. Aalis na talaga ako at baka hindi ko mapigilang isama na lang kita pabalik sa atin."

"Ha... ha... ha!"

Naglakad na kami papunta sa main door nila nang bigla naming narinig na tinawag siya ni Tita. She was standing by the door of her room.

"Ma, bakit po?"

She started walking towards us. At nang malapit na s'ya, she said, "Iho, I'm sorry but I don't want to see you here anymore. Ayaw ko na ring makikitang kasama mo ang anak ko."

"Po?" was all I could say.

"Ma, bakit? Anong nagawa ni Iggy?"

"Hindi ko kayang magkunwari na baliwala ito sa akin lalo na kung kapakanan ng anak ko ang nakasalalay dito."

"Ma, ano pong sinasabi n'yo?"

"Nakilala na ba s'ya ng mga magulang mo?" she asked me.

"Opo. Magkaibigan pa lang po kami ay kilala na si Ailee ng buong pamilya ko."

"Alam nila kung sino ang mga magulang niya?"

"Opo. Unang beses ko pa lang pong pinakilala si Ailee sa kanila ay napag-usapan na namin kayo. Bakit ho?"

"Hindi ka ba nila inaapi?" she asked Ailee this time.

"Hindi po, Ma. Mababait po sila sa akin, pati po ang mga kapatid n'ya. Ano po ba ito?"

"Hindi ako naniniwala! Ang pamilya ng mga Javier ay matapobre. Alam kong hindi nila gugustuhin na isang katulad mo Pocheng ang mapapangasawa ng isa sa kanila."

"Ma!"

"Tita, hindi po totoo 'yan. Mahal na mahal po ng pamilya ko si Ailee."

"Hindi ako naniniwala! Tigilan n'yo na ang relasyon n'yo. Tigilan mo na ang anak ko!"

"Tita hindi ko po kayang gawin 'yan."

"Pwes subukan mo kasi hindi ko yata kakayanin na makita ang isang Javier dito sa pamamahay ko."

Her breathing suddenly hitched. Humawak s'ya sa kanyang dibdib. Nagulat man ay agad kaming umalalay ni Ailee. Pero nang naramdaman n'ya ang kamay ko ay agad n'ya itong itinulak.

Letters to Cleo #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon