Chapter 29

352 42 25
                                    




Dumungaw ako sa kwarto n'ya para silipin s'ya. She's still sound asleep. I think it would be a while before she wakes up. Masyado s'yang nalasing kagabi to the point na hindi na n'ya namalayang binuhat ko s'ya bridal style from the car to her bed. Syempre nung nasa elevator at habang binubuksan ko ang pinto ay ibinaba ko s'ya at inalalayan lang.


I would be a hypocrite if I said I didn't enjoy that moment. This is the first time na sobrang dikit namin sa isa't isa na walang naiilang. 'Yun nga lang wala rin s'yang malay. I'm pretty sure kung alam lang n'ya ang lahat ng pangyayari ay nagwala na 'yun at malamang ay binugbog pa ako.


I spent the night here. I slept on her couch. I couldn't leave her. Baka kailanganin n'yang magpadala sa ospital in the middle of the night. At least nandito na ako. Oo na, it's a lame excuse. I just didn't want to leave her on that condition. 'Yun lang.


I was about to finally leave when I noticed some papers on her night stand. Lumapit ako para tignan ang mga ito dahil they look so familiar at tama nga ang hinala ko. These are the cards and notes that came with the flowers and gifts I gave her. Nakakatuwa naman that she's keeping them. Mas lalo tuloy lumalakas ang loob ko.


I need to leave now. She seems to be fine. Kailangan ko na umalis bago pa s'ya magising. Baka magwala ito kapag nakita n'yang nandito ako.



********



"Are you sure wala kang ginawa kay Poch?"


"Gago! Anong akala mo sa akin? I wouldn't take advantage of her," ang mariin kong sagot kay Rafa. His call came in as soon as I entered my front door.


"Doon ka natulog sa condo?"


"Oo pero sa couch lang ako natulog. Alam ko ang takbo ng utak mo. Hindi ko gagawin 'yun sa kanya. Kahit na may gusto ako doon ay hindi ko gagawin 'yang iniisip mo."


"Dude, naninigurado lang."


"Ulol! 'Wag na 'wag mo nga akong igagaya sa 'yo."


"Ulol ka rin! Hindi ko gagawin kay Farah 'yun 'no!"


"Oo nga, ang takot mo lang sa kanya."


"Gago! Ang macho-macho ko para matakot sa girlfriend ko."


"Macho ka nga... macho-nurin sa girlfriend. O sige na. Magpapahinga na ako."


"Sige dude. Maraming salamat ha. Pinapasabi rin ni Farah na thank you and we you one daw."


"Wala 'yun. Anything for Ailee. Mabuti rin na ako ang naisipan n'yong tawagan kagabi."


"Alam ko kasing magwawala ka kapag nalaman mong nalasing s'ya tapos ibang tao ang naghatid sa kanya pauwi. Ha... ha... ha!"

Letters to Cleo #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon