Chapter 19

336 38 22
                                    



Nanay said she didn't invite any relative. Well, I have a feeling that after she was sure that Ailee was coming over, she called Ninang Cecille and invited her and the family. At habang tinitignan ko si Ailee sa tabi ko habang sinasagot n'ya ang mga tanong ng mommy ko at ng kapatid n'ya ay mas lalong nabubuo ang paniniwala kong tama ang theory ko. They are scheming here and I need to watch out for Ailee. Baka kung anong sabihin sa kanya ng mga pamilya ko.


"So hija, matagal na ba kayong magkakilala ni Iggy?" Ninang asked.


"Hindi naman po. We met about 2 or 3 weeks ago lang po."


"Really? Kasi you look so comfortable with each other eh. Parang ang tagal n'yo nang magkakilala."


"Well, you know what they say about soulmates. Baka naman soulmates kayo nitong Iggy namin, Ailee."


Dang Nanay! Soulmate talaga? Nakakahiya na!


"Siguro po. Pero Inigo and I didn't actually start off at the right foot. Pareho po kaming naiirita sa isa't isa."


"Ha? Bakit naman? May ginawa ba sa 'yo ang binata ko?"


"Wala po Tita. May issues lang po ako that time at medyo sa kanya ko po nailabas. Pero after that okay na po kami. Sobrang laki po ng utang na loob ko sa kanya. In the past weeks na naging magkakilala kami ay ang dami na po n'yang naitulong sa akin. Kasama na po doon ang pagtulong n'ya sa paghahanap ng mauupahan kong lugar."


"So ikaw pala ang renter ng condo namin. Hindi n'ya 'yun nabanggit sa amin," my mom said. Dammit, I'm so busted!


She turned to me and gave me a look. Parang pinapagalitan n'ya ako for not telling her na parents ko ang may-ari nung tinitirhan n'ya. I just shrugged.


"Hindi rin naman po sinabi sa akin ni Inigo na kayo ang may-ari nung condo," ang sagot n'ya sabay pasimpleng kinurot ang gilid ko.


"Aray!" sabi ko. I kinda made this part exaggerated kaya napatingin sa akin si Nanay at Ninang Cecille.


"Sigurado ba kayong bagong magkakilala lang kayo? Ang cute n'yong dalawa," sabi ni Ninang.


"Ninang, cute lang po talaga kami ni Ailee," I joked.


"Taga saan ka nga pala, hija?" Nanay asked.


"I was born in Manila po. Nakatira po kami ngayon ni Mama sa Quezon City."


"How about your dad?" dagdag naman ni Ninang.


"He died po last August."


"Oh, I'm sorry to hear that."


"It's okay po."

Letters to Cleo #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon