Ang hindi ko lang maintindihan eh, it's been a month since we talked and saw each other, 'yung mismong araw na naging kami, 'yun na rin ang huli naming pagkikita. Ito na nga ba ang sinasabi ko eh, bakit nga ba ako nagpadala sa sobrang saya noong araw na 'yun? Eh alam ko naman sa sarili kong parang kabute lang 'yun si Darius, biglang susulpot. Lulubog, lilitaw.

Kaya ayokong maging sobrang saya dahil ang tindi nang balik sa akin n'ung lungkot. Okay lang sana kung nagte-text siya eh, hindi namanー plus, hindi ko pa alam ang cellphone number niya. Oh 'di ba? Ang saya lang ng sitwasyon ko.

Nakaramdam ako nang pamamasa ng pisngi, umiiyak na pala ako. Hinawi ko ang mga luhang dumadaloy sa mukha ko. Lagi na lang akong umiiyak nowadays. Hay, kasalanan 'tong lahat ni D.O eh. Kabwisit!!!

Malay ko ba? Malay ko ba na baka pinagti-tripan lang pala talaga niya ako. Nakakainis! Ayokong maniwala sa mga nakikita kong nangyayari sa aming dalawa (meron nga bang kami?) pero he left me no choice. Kumbaga, 'yun na lang 'yung binigay niyang option na paniwalaan ko.

"Jade!" Narinig kong may tumawag sa akin kaya agad na pinunasan ko ang mga luha ko at nilingon si Elle.

Binigyan ko siya nang isang napakagandang pilit na ngiti, 'di ko kasi kayang ngumiti nang maayos sa sitwasyon ko ngayon eh, "Uy, Elle. Bakit?" Nakangiting sabi ko habang kumakaway sa kanya, kumakaway kasi siya sa akin.

Ngumiti siya pero napawi din, "Umiiyak ka ba?" Puna niya sa akin habang inuusisa ang mukha ko.

Umiling ako, "Hindi, ah!" I denied.

Tumango-tango naman siya, "Sige, sabi mo eh." She shrugged her shoulders.

Hindi ko pinansin 'yung ni-react niya sa pagtanggi ko na 'di ako umiyak kahit na super obvious naman talaga na kagagaling ko lang sa pag-iyak, "'Di ba shift mo pa? Bakit n'andito ka na sa may terminal tapos naka-scrub suit ka pa, pagagalitan ka ng head nurse niyan." Paalala ko sa kanya, bawal kasing lumabas ng operating room ng 'di naka-proper attire or at least apron.

She hissed, "H'yaan mo na 'yung masungit na head nurse natin, wala naman siya magagawa- nakalabas na ako. Haha!" Tumawa pa siya nang malakas, medyo baliw talaga.

Napailing na lang ako, "Ano ba kasi 'yun at hinabol mo pa talaga ako dito sa sakayan?" Sabi ko at isinukbit na sa balikat ko ang medical kit ko.

"Ah, oo nga pala. May alumni party bukas sa resort nila Venice bukas, unofficial na announcement kaya hindi sa school gaganapin." Sabi niya habang nagkakamot ng braso, napansin kong naka-gloves pa siya. Hay nako, baka matanggal siya sa trabaho niya niyan eh.

Medyo nagulat pa ako sa mga sinabi niya dahil sa resort nila Venice gaganapin 'yung party, to think na best friend ko si Venice at ako ang huling nakaalam. Nakaramdam ako ng inis, pakiramdam ko kasi pati best friend ko eh tine-take for granted lang ako. I thought that Venice will always be there for me, but, I guess that thought is definitely wrong.

Tinitigan ako ni Elle, "Alam ko 'yang tumatakbo sa isip mo, Jade. Venice tried to contact you weeks ago, oo nga pala, nasaan ba ang cellphone mo, ha?" Usisa niya sa akin.

Nilabas ko naman ang phone ko at tinitigan, pero ayaw mag-on. "Wala na 'atang battery?" Tanong ko sa kanya.

Muntik na akong batukan ni Elle, "Hay, naku, Jade!!! Ewan ko sa'yo. Nako, ayusin mo 'yang sarili mo. Lalo na bukas, Sabrina will come." Sabi niya pa habang inaayos ang scrub suit niya.

Para akong napako sa kinatatayuan ko nang marinig ko mula kay Elle na nandito na ulit sa Pilipinas si Sabrina, "K-Kailan pa...?" Nakaramdam ako ng takot, si Sabrina ba ang dahilan ng pagkawala ni Darius na parang bula? Natatakot ako, Darius is all I have right now. Kung sakaling akin nga siya... natatakot ako na mawala sa akin si Dariusー dahil nandito na si Sabrina.

'Yung katabi ko sa JeepWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu