Chapter 49

84.7K 2.2K 113
                                    

Chapter 49

"Congrats..." Bati niya at hinawakan ang dyamanteng hikaw sa tainga. Nilingon niya si Jillian.

Ibubuka ko pa lamang ang bibig para kamustahin siya nang hawakan niya ang braso nito at hinigit palayo sa amin.

Wala na akong nagawa kundi panoorin ang paglayo nila.

Nilingon ko si Altamirano. Walang emosyon ang kanyang mukha. Tuluyan ko na siyang hinarap at dinala ang kamay sa kanyang pisngi.

"What's the problem?" Tanong ko at hinaplos ito.

He heaved a sigh and shook his head.

"Come on, what's bothering you?" Pilit ko.

"Don't act as if you don't know."

Iniwas niya ang mukha sa akin. Nilaro ko ang mga kamay at pinagmasdan siya.

"You don't have to feel anything negative. Kung may dapat makaramdam nang ganoon ay si Dash iyon." Buntong-hininga ko at diretsong tumingin sa matatanaw na karagatan. "Nagparaya siya."

Hindi siya nakaimik. Matagal iyon at pinakiramdaman ko lang siya.

Kinuha niya ang kamay ko at madamdaming inilapat sa kanyang mga labi.

Hindi ko na napigil ang aking ngiti. "Don't get jealous, alright? Wala kang dapat ikatakot kasi ikaw ang pinili ko."

"I didn't want to be one of your options." Pinisil niya ito at siya namang dumiretso ang tingin sa kulay asul na dagat. "Ayokong marinig mula sayo na isa lang ako sa mga pinagpilian-"

"Hey! It's not like that!" Natatawa kong sabi at pumunta sa kanyang harapan. Pinitik ko ang kanyang ilong at natatawang hinalikan ito. "Kung anu-ano ang iniisip mo. Hindi naman ganoon ang ibig kong sabihin."

"Eh ano pala?" Umirap siya.

Nasabi ko na bang ang hot niya kapag umiirap? His sexiness did not even run down even when doing that.

Muli akong napa-buntong hininga. Gumapang ang mga kamay niya sa aking tiyan at ipinatong ang baba sa aking balikat. Kinagat ko ang labi sa pagpipigil ng ngiti.

"May sasabihin ako..." Nilingon ko siya.

Tumama ang ilong niya sa aking pisngi. Pumikit ako at dinama ang sarap sa pakiramdam na yakap niya ako.

"Whether with or without Dash... I know it would always be you. I was just fooling myself that I'd completely forgotten everything." Hindi ko na nasupil ang aking ngiti. "I was attracted to Dash because he has similarities with you, Fire." Pag-amin ko. "He has similarities with the guy who broke my young heart."

Nag-init ang aking mga mata. Suminghap ako upang pigilin ang aking emosyon.

"You're wearing a black earring when we're in highschool. Si Dash... meron din. Yun nga lang ay dyamante ang kanya."

Humigpit ang yakap niya sa akin.

"You love to kiss the back of my hand and he also loves to do that."

Matagal ko nang gustong aminin sa sarili ang bagay na ito ngunit ngayon ko lang nagawa. Siguro nga naging kami ni Dash para may makuhang aral sa isa't-isa.

Kahit anong gawin ko ay ito ang kahahantungan ng lahat, dahil alam kong higit na mas matindi ang pagmamahal ko sa taong una kong minahal.

"Parehas kayong mukhang laging gumagawa ng kalokohan kahit sa totoo lang, kaya niyong maghintay. Kayang-kaya ninyo akong hintayin."

"Honestly, I don't feel good hearing these from you." Iniikot niya ako at hinawakan ang magkabila kong tagiliran. "Ayoko kasi na may ibang lalaki, Dela Vega. Kasi ako wala. No one dared to enter my heart coz it's locked. Someone dwells here for a long time and that person doesn't have the ability to leave."

Don't Play With Fire (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon