Chapter 11

78.2K 2.2K 131
                                    

Chapter 11

"Sir, are we going to the faculty room now for the post conference?" Tanong ni Ms. Krisane, ang mentee ni Gio.

Nasa pintuan sila at nag-uusap tungkol sa first day nito. Katatapos lang ni Ms. Krisane na magturo sa amin.

"Ma'am..." Ngumiti si Gio. "You did a great job. Your confidence is overflowing. The way you speak in front, the way you-"

"Excuse me sir... ma'am." Tumigil ako sa paglalakad at pinigil ang pag-irap.

Wouldn't it be comfortable for them if they have their post conference in the faculty room? Nakaharang sila sa pinto!

Binigyan nila ako ng daan. Sa gilid ng aking mata ay kita ko ang paninitig ni Gio sa akin.

Naglalakad ako sa corridor nang makarinig ako ng pagtikhim. Lumingon ako at nakita si Altamirano. He was in his usual boastful stance, eyeing me from head to toe.

"What's up?" Hinaplos niya ang kanyang buhok at dahan-dahang lumapit sa akin.

"What do you want this time?" Iniwas ko ang tingin sa kanya. "Altamirano, tumigil ka na-"

"You can't command me. This is my time to make a move. Why would I let this chance to pass?"

"Hindi man naging kami pero hindi madaling makalimot." Nalasahan ko sa sariling mga salita ang pait. "May mga bagay na hindi magiging sayo dahil may dahilan. May mga bagay na dapat bitawan mo na lang kasi iyon ang nararapat." Umatras ako. Tinitigan ko siya at mapait na ngumiti.

Kung bakit bigla na lang lumabas ang mga katagang iyon sa aking bibig.

Tumalikod ako ngunit agad niya akong nahawakang muli. Sinakop ng kanyang kamay ang akin.

"Kasi may mga bagay na nasa harap mo na pero iniichapwera mo pa." Dahan-dahan niya akong iniharap sa kanya. Isinipit niya ang ilang hibla ng buhok ko sa aking tenga. "Come with me and forget him."

Hindi na niya ako hinintay umangal o magsalita man lang. Dinala niya akong muli sa room. Tumabi siya sa akin.

We got their attention. Nanunusok ang mga titig ng pinsan ko sa amin. Hindi ko magawang tignan si Gio dahil alam kong miske siya ay nakatingin.

Altamirano's hand was so warm that it made me composed myself unbelievably. Tatlong linggo na ang nakararaan ngunit ngayon ko lang hinayaang makalapit si Altamirano sa akin. Sa bawat araw na nagdaan ay para akong pinapasakitan ng mga nakikita ko. Gio's always with Ms. Arena and now his mentee got into the picture.

"Let me hold you 'til I get tired."

Nagtaasan ang mga balahibo ko sa sinabi niya. Nilingon ko siya at nakatingin siya sa unahan. Seryoso ang kanyang mukha at hinaplos niya ng daliri ang aking kamay.

"Altamirano..."

Hinarap niya ako. Ngumiti siya ngunit hindi pa rin nito natabunan ang kaseryosohang ipinapakita ng kanyang mga mata.

"But... I think I won't get tired."

Binawi ko ang aking kamay. Anong sinasabi niya?

Muli akong tumingin sa unahan. Nandoon pa rin si Gio pero wala na si Ms. Krisane. Nakatitig siya, hindi sa akin kundi sa kamay kong hinawakan ni Altamirano.

"Handa ka ba talagang tulungan ako?" Wala sa sarili kong sabi. Iniwas ko ang tingin kay Gio.

"As I've said, I'm willing to help." Tumingin siya sa pintuan at lumarawan ang kanyang ngisi nang makitang nasa amin pa rin ang atensyon ni Gio.

Lumapit sa akin si Jemimah nang dumating ang lunch time. "Tami..."

Inangat ko ang tingin sa kanya.

Don't Play With Fire (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon