Chapter 29

72.1K 2.4K 369
                                    

Chapter 29

"Are you sure you're okay now? Kahit late na ako-"

"It's almost seven. You should go." Nabanat ang aking labi sa pagkunwari ng ngiti. "Wala naman akong sugat."

Hindi matanggal-tanggal ang pag-aalala niya simula pa kanina. Humakbang siya at nawala ang espasyong pumapagitan sa amin. Nabatid ko ang kanyang balak kaya't umatras ako.

Kumunot ang kanyang noo.

"Go." Hindi ko alam kung hanggang kailan ko pa kayang labanan itong galit ko. Kapag hindi pa siya aalis ay mapipilitan akong kaladkarin siya sa labas.

It was hard to fight against the anger overclouding my whole. Kailangan kong magtimpi.

"Alright, sleep early."

Itinago ko ang isa kong kamay at kusa itong kumuyom. Pinanood ko ang kanyang pagtalikod at paghakbang palayo. Sumakay siya sa kanilang kotse. Bumaba ang bintana at mula dito ay nabanaag ko pa rin ang kanyang pagngiti.

Umikot ako at lumunok. Narinig ko ang pagstart ng sasakyan. Kasabay nang pagbukas ng gate ay ang paglinaw at pagtindi ng kirot na humahanay sa aking dibdib.

Mabigat ang mga paa kong humakbang patungo sa hagdan. Hanggang sa namalayan ko na tinatakbo ko na ito at walang pakialam kung matisod man.

Pinihit ko ang seradura ng pinto at pumasok. Pabagsak ko itong isinara. Sumandal ako dito.

Napakalinaw ng mga binitawang salita ni Forrah.

Tumungo ako at ilang beses pang lumunok. Naglakad ako papunta sa kama.

Tumuon ang dalawa kong kamay sa bedside table. Nanginginig ang mga kamay kong iwinaksi ang mga nakapatong dito. "Shit! Shit!"

Humihingal akong napaupo sa kama. Dinala ko ang mga kamay sa mukha at inihilamos ang mga ito.

Narinig ko ang pagkatok sa pinto.

"Miss Tamiya-"

"I don't want to be disturbed!" Sigaw ko kay Lyka.

"Pero, hindi pa ho kayo naghahapunan." Sabi niyang may pag-aalala.

"Hindi ko ito ikamamatay! Go downstairs and don't ever knock on my door again!"

Wala na akong narinig mula sa kanya. Humiga ako sa kama at naalala kung paano kami nagsimula ni Altamirano.

Mariin akong napapikit. Napakatanga ko. Sobrang tanga at nakalimutan ko ang mga banta niya. Muling bumalik sa isip ko ang lahat.

Namigat ang aking ulo at tila may matulis na bagay ang sumaksak sa akin. Mabagal ngunit malalim.

"Tamiya, you're too early!"

Nilingon ko ang nagsalita. Pilit akong ngumiti nang makita si Jillian. Pumihit siya sa direksyon ko at umupo sa katabing upuan, sa upuan ni Altamirano.

Kumunot ang noo niya nang may mapansin. "What happened to your eyes? Hindi ka ba natulog?"

Dumiretso ang tingin ko sa direksyon ng board. "Hindi nga. Well, kahit hindi naman ako matulog maganda pa rin ako." Ngumisi ako.

Hinawakan niya ang aking balikat at pilit akong pinaharap sa kanya. Rumehistro ang pag-aalala sa maganda niyang mukha.

"Shit, break na kayo?"

Mahina akong natawa at tumayo. Pumunta ako sa harap niya at sumandal sa upuang nasa kanyang unahan.

"Malapit na." Hinaplos ko ang nakalugay na buhok.

Don't Play With Fire (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon