Chapter 13

75.8K 2.2K 233
                                    

Chapter 13

"Get one whole sheet of paper and read the directions on the board."

Nagsikuha ng papel ang lahat maliban sa akin.

"Tamiya, bakit hindi ka pa kumukuha ng papel?"

Nilingon ko si Jemimah. Nakakunot ang kanyang noo. Maging si Camilla ay napalingon sa amin.

Hindi ako nagsalita at binuksan ang aking bag. Sa gilid ng aking mata ay nakita ko ang pagkibit-balikat ni Jemimah. Si Camilla ay itinuon na ang atensyon sa pagsusulat sa kanyang papel.

"C-can we talk?"

Muntik ko nang mabitawan ang hawak na papel dahil sa pagsulpot niya sa tabi ko. Iginala ko ang paningin sa buong klase. Nang masiguradong walang nakatingin sa amin ay saka ko siya binalingan.

"Tami-"

"Hindi pwede sir." Nagpilit ako ng ngiti at pinaglaruan ang ballpen na hawak. "He will get mad. Ayokong mangyari iyon."

"Y-you're referring to Altamirano?"

He made me a damn dupe and now he's asking me this?

Tumayo ako, ramdam ko ang paglingon sa akin ng mga pinsan ko. Tumungo ako sa dulong bahagi ng building at pumasok sa bakanteng room. Ilang sandali ay sumunod siya.

"Bakit ka sumunod-"

Mahigpit niya akong niyakap. Mariin kong naipikit ang mga mata.

"Nahihirapan na ako. Selos na selos na ako."

Tipid akong ngumiti at marahan siyang itinulak. Pumula ang kanyang mga mata. Tumalikod ako at muntik nang mapamura nang muli niya akong yakapin mula sa likuran.

"Let go of me..." Kinagat ko ang ibabang labi. "Kapag hindi mo ako binitawan ay sisigaw ako!"

Hindi siya nagsalita. Hindi rin nagtagal at umatras siya. Nilingon ko siya na umupo sa isa sa mga upuan. Sinapo niya ng dalawang kamay ang mukha.

"Ano bang ginawa ko Tamiya-"

Mahina akong natawa dahilan nang pag-angat ng kanyang mukha.

"Now you're asking me that? Ikaw 'tong unang nagloko diba, sir?" I could taste the bitterness in my words. "Alam mo bang... alam mo bang may nararamdaman na ako sayo at hindi yung simpleng paghanga at pagkagusto lang?" Kinagat ko ang ibabang labi. "Pero ano? Pagkatapos kong mahulog hindi mo ako sasaluhin? Bakit? Dahil ba ang bata ko pa para sa'yo?"

Iniwas niya ang tingin at muling tumungo.

"Pero ikaw na rin ang maysabi diba? Na kahit mas bata ako, na kahit malaki ang agwat ng edad natin, gusto mo ako..." Tumingala ako dahil sa pag-iinit ng aking mga mata. "But your actions never show me your feelings. Your actions are full of shits. Nililigawan mo ako pero laging ibang babae ang kasama mo."

Tumayo siya at akma akong yayakapin ngunit pinigil ko siya ng dalawa kong kamay.

"Tamiya..." Lumandas ang luha sa kanyang pisngi.

Lumunok ako, hindi makapaniwala sa nakikita.

"Mahal kita pero hindi ko magawang iwasan si Miracle." Sinsero ang mga mata niyang hinagilap ang akin. "Kahit na sinabi niyang naniniwala siya na walang namamagitan sa atin ay alam kong hindi totoo iyon. She often sees me looking at you. Kapag kasama ko siya at nakikita kita ay alam kong iba na ang tumatama sa isip ng babaeng iyon."

Mapakla akong ngumiti. "That's why I'm doing this. Magagawa mo na ang lahat ng gusto mo at ganun din ako. May boyfriend na ako kaya tigilan na natin ito-"

Don't Play With Fire (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon