Chapter 41

71.8K 2.3K 326
                                    

Chapter 41

Tila tumitibok ang aking ulo dahil sa sakit. Marahan akong bumangon at hinaplos ang aking sintido.

"Wala ka na ngang tulog, nag-inom ka pa."

Napalingon ako sa babaeng kapapasok lang ng bedroom. May dala siyang tray ng pagkain at juice.

Inilapag niya ito sa aking kama. Kumunot ang aking noo. Bumuntong-hininga siya at itinuro ang pagkain.

"Ibinilin ka sa akin ni Dash. He told me how plastered you were. What is your plan with your life, Tami?"

Kinuha ko ang juice at uminom dito. Nang ibaba ko ang baso ay muli akong tumunghay para tingnan ang kanyang reaksyon. Concern was strong in her face.

"Any news?" Hindi ko sinagot ang kanyang tanong.

Mas lalong lumala ang pag-aalala sa kanyang mukha. Tipid akong ngumiti. Bumagsak ang tingin ko sa pagkain niyang dala.

"Wala pa." Lantad sa kanyang boses ang lungkot.

Tumango ako at hinawakan ang mga kubyertos. Pinilit ko ang sariling kumain ngunit nakadadalawang subo pa lang ako ay nawalan na agad akong gana.

"Tami... you must eat." Pagpansin niya.

Inilayo ko sa akin ang tray at sumandal sa headboard. Pinasadahan ko ng kamay ang aking buhok. "Habang buhay yata akong kakainin ng konsensya, Hera."

"You should not blame yourself."

Mapakla akong ngumiti. "Nasasabi mo 'yan kasi wala ka sa sitwasyon ko. You don't know the exact incident before this shit. And if ever you know, I think you still won't understand. Ayokong may..." Kinagat ko ang ibabang labi at umiling. "May mawalang buhay nang dahil sa akin. I may have cursed him once, but that was before. That was when I found out he's fooling me. Ganun naman 'di ba? Kapag nasaktan ka, magsasalita ka nang masasakit. Tapos pagsisisihan mo bandang huli."

Tumayo ako at lumabas ng bedroom. Napansin ko si Serenity na nakaupo sa sofa at kumakain ng cookies.

Nang maramdaman ang aking presensya ay tumunghay siya. Nagpaskil siya ng magandang ngiti at sinenyasan ako na lumapit sa kanya. She's really adorable.

Bago ko lapitan ay tumungo muna ako sa CR para magmumog. Nang umupo ako sa sofa ay agad siyang umupo sa aking kandungan.

Nilingon ko si Hera na umupo sa katapat na upuan.

"The possibility is big that he's-"

"I don't want to hear others say it." Putol ko sa kanya. "Ikaw na rin ang maysabi na 'wag mawalan ng pag-asa, pero bakit parang bumabaliktad ka na ngayon?"

"Mag-iisang araw na siyang nawawala." Tipid niyang saad.

"Isang araw pa lang! Isang araw! That's not too long for us to think negative! Kung may mamamatay dito, dapat ako! Damn it, ako na lang dapat!" Mahigpit akong napayakap kay Serenity. "We were apart for years. Long enough that I thought I completely forgot him. Long enough to search for a new love. Yes I did find one, but when he came back..."

"But when he came back?" Paghihintay niya ng kasunod.

Hindi ako nakasagot. Ibinaba ko si Serenity at inilapit ito sa kanya. Tumungo ako sa bathroom at naligo.

Nang matapos magbihis ay nandoon pa rin ang dalawa. Tumayo sila nang makita ako at humakbang patungo sa pintuan. Sumunod ako.

Habang nasa elevator ay walang umiimik sa amin. Nakarating kami sa beachfront at nakita ang masayang mga taong ineenjoy ang bakasyon. Inilatag ko ang aking scarf sa buhanginan at umupo dito. Tumabi sa akin si Hera.

Don't Play With Fire (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon