Chapter 7

80.7K 2.2K 65
                                    

Chapter 7

Pagkatapos kumain ay napagpasyahan kong sa labas kami gumawa. Mula dito sa veranda ay tanaw ang kumikislap na tubig ng pool.

Ibinaba niya ang bag na pinaglalagyan ng materials. Umupo ako malapit sa kanya at pinanood ang pag-aayos niya ng mga ito. Inilabas niya ang canvas, brushes, mga pintura at iba pang mga materyales.

"What do you want to paint? Marunong ka ba?" Tanong niya na hindi nakatingin.

Tinulungan ko siya sa pag-aayos ng gamit. "Hindi."

"O eh... ba't nandito ka pa? Alis na! Wala ka naman pa lang maitutulong."

Binatukan ko siya.

"Aray! Ano ba?" Angal niya. "Makabatok 'to! Gawin mo pa 'yan sige..." Pabagsak niyang inayos ang stand ng canvas. "Hahalikan kita dyan makita mo!"

Namilog ang aking mga mata. Tumitig siya sa akin at kinindatan ako.

"Got you, Dela Vega." Naiiling siyang tumawa. "Takot ka pa lang mahalikan ko-"

"I already kissed a lot of guys." Ngumisi ako. "I just don't like the idea of being kissed by you. I can't imagine how gross it would be. Lalo na 'pag naamoy ko na ang hininga mo." Tinakpan ko ang ilong at ngumiwi. "I'm sure you're bad breath!"

"Wag kang madiri dyan. Baka 'pag hinalikan kita hindi mo na ako magawang pakawalan. Magkasala ka pa." Inihagis niya sa akin ang isang paint brush. "Mag-paint ka rin. Mamaya na tayo maghalikan. Baka mabaliw ka pa at hindi natin matapos ang dapat tapusin." Kumindat siya.

Ihahampas ko sana ang canvas sa kanya ngunit napatigil ako dahil sa matamis na ngiting lumarawan sa kanyang labi.

Nag-iwas ako ng tingin. What the hell? Did he really smile like that?

"Hoy ano 'yan?" Tumawa siya at itinuro ang aking ginagawa. "Sino 'yan? Mukhang bakla!"

Inirapan ko siya at akmang titignan ang ginagawa niya nang bigla niya itong ilayo sa akin.

"Ooops!" Ngumisi siya at inginuso ang canvas sa harap ko. "Mind your own business. "

Ngumiti ako at tinignan ang aking ginagawa. "Fine! Anyway, I may not be able to paint or draw him beautifully but for me he's still the most handsome guy I have ever met."

Bumaling ako sa kanya. Tumitig siya sa sariling gawa at kumunot ang noo. His adam's apple moved.

"That's Forrah right? I had a glimpse of your work. You don't need to hide that from me." Tumayo ako. "Pero sana ako na lang ang ginawa mong subject. Surely, our work would be getting high grades. Sa ganda kong 'to ipinagpalit mo ako kay Forrah? You made a wrong choice!" Umiling-iling ako.

Iniwan ko siya at nagpahanda ng snacks kay Lyka. Pagbalik ko ay seryoso pa rin siya sa ginagawa.

"Place those on the table." Turo ko sa table sa may pool area. "We'd eat there."

Tumango si Lyka. Tumingin siya sa gawi ni Altamirano at napalunok.

She's a 20 year old maid. Bata pa siya nang magsimulang mamasukan sa amin. 16 years old siya noon. Mom didn't want her to work for us because of her age. Ngunit mapilit siya. She wanted to help her family, that was she told us. I didn't know what other things she had told my mom to accept her.

"Don't stare at him like that."

Nanlaki ang mga mata niya at humarap sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay at humalukipkip.

"Diba sabi ko ilagay mo na 'yan doon sa table sa may pool area?" Inirapan ko siya. "Alis na! Bad trip!"

Pagkaalis niya ay binalikan ko si Altamirano. Umangat ang tingin niya sa akin.

Don't Play With Fire (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon