Chapter 15

76.3K 2.1K 141
                                    

Chapter 15

Akala ko ay hahalikan niya ako ngunit nagkamali ako nang maramdaman ang kanyang labi sa aking noo. Nagmulat ako at nakita ang ngising nakapaskil sa kanyang mga labi.

"You really want a kiss from me huh?"

Itinulak ko siya kasabay ng pag-iinit ng aking pisngi. Mahina siyang tumawa, tumalikod ako para pagtakpan ang aking mukha. Ilang sandali akong hindi nakapagsalita.

Lumapat ang kanyang mga kamay sa magkabila kong balikat. Pinigil ko ang anumang reaksyon ng aking katawan nang idikit niya ako sa kanyang dibdib.

"I told you that we'd make it slow."

Bumaba ang mga kamay niya sa aking braso hanggang sa matagpuan nito ang aking baywang. Nagtaasan ang aking balahibo. Hinarap niya ako sa kanya at tinitigan ang aking mukha.

"Liligawan kita... magpapakahirap ako, hanggang sa sagutin mo ako. Hindi kita hahalikan hangga't hindi mo ako sinasagot. Hindi kita pipilitin sa mga ayaw mong gawin."

Iniwas ko ang tingin. Isinipit niya ang ilang buhok na tumatakip sa aking mata.

"So, if you want me to kiss you now, I won't allow-"

"W-who told you that I want your kiss?" Inirapan ko siya at hindi napigilan ang pagngiti. Sinabuyan ko siya ng tubig sa mukha.

Sumama ang kanyang tingin. "Talaga? Eh bakit napapikit ka?" Nang-aasar niyang tanong.

"I... I just thought you're the one who wanted a kiss from me. Ikaw tong nauna!"

Tumaas ang kanyang kilay at sinabuyan din ako sa mukha. Napapikit ako, tumawa siya.

"Oh really? But why are you stuttering?"

"I'm not!" Muli ko siyang sinabuyan. Gumanti siya hanggang sa mapuno ng tawanan naming dalawa ang aking pandinig.

Buong oras ay naglaro kami at naghabulan na parang walang bukas. I never imagined that I would experience to laugh like this.

Matapos naming maligo ay nagpasya na kaming bumalik sa kanilang bahay. Kahit mainit ay hindi ko mapigilang tumigil sa paglalakad kapag nakakakita ako ng mga tutubi.

Sinubukan kong manghuli ngunit hindi ko pa nailalapit ang kamay ay lumilipad na sila palayo.

"Ahh! Why can't I capture them?" Napapadyak ako sa inis at nilingon si Altamirano sa aking likuran.

Tumigil din siya sa paglalakad at pinanood ako sa ginagawa. Nakangiti siyang umiling at nilapitan ako.

"Patience is what you need. Nabubulabog sila kapag masyado kang maingay kumilos."

Pinanood ko siyang tumungo malapit sa kulay pulang tutubi. Namangha ako nang walang kahirap-hirap niya itong nahuli.

"Wow!" I said in amazement. "How did you do that?"

Nagkibit-balikat siya at inilapit sa akin ang tutubi. Tinignan ko ito at napangiti nang mapagmasdan ang itsura nito.

"She's cute..."

Mahina siyang tumawa. Kinunotan ko siya ng noo.

"Anong problema mo?" Tanong ko.

"You think this one is a girl?" Tinignan niya ang tutubi. "Ang cute mo pa lang pakitaan ng mga ganito. Tamiya Azia Dela Vega smiles because of dragonflies."

"It's color red so I think it's a girl." Kibit-balikat ko.

Hinawakan niya ang aking kamay at hinatak ako para magpatuloy na sa paglalakad. Ibinigay niya sa akin ang tutubi at hindi na nasupil pa ang muling pagngiti.

Don't Play With Fire (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon