Chapter 36

76.4K 2.1K 213
                                    

Chapter 36

"What is this Tamiya?"

Itinulak ko si Altamirano nang marinig ang boses na 'yon. Kusa siyang hinanap ng mga mata ko. Kumikinang ang hikaw niya sa tenga ngunit kung anong kinang niyon ay siya namang dilim ng kanyang mukha.

"What is this?" Ulit niya at malakas na itinulak si Altamirano.

Namilog ang mga mata ko. Hinawakan niya ang braso ko at hinigit ako palapit sa kanya.

"Is he harassing you?"Mariin niyang tanong at masamang binalingan si Altamirano. "Ano bang problema mo pare?" Binitawan niya ako.

Lalapit sana siya kay Altamirano ngunit pinigilan ko siya.

"Dash, hindi!" Hinawakan ko ang kanyang kamay at hinigit siya sa aking tabi. "N-napuhing lang ako." I lied.

"Napuhing?"

Hindi ko muna siya sinagot at tuluyan na siyang hinila palayo roon.

"Akala ko sa sabado ka pa darating?" Panimula ko nang makarating kami sa hindi masyadong mataong lugar. "Dash, you really know how to surprise me!" Pinilit kong ngumiti.

"The scene surprised me, Tamiya." Malamig niyang sabi at tinalikuran ako. Tumingin siya sa kulay asul na dagat.

Kinakabahan ako ngunit ayokong ipahalata. Ayokong mag-away kami dahil lang sa naabutan niya.

"Wala lang 'yon." Niyakap ko siya mula sa likod at itinuon ang baba sa kanyang balikat. "Hinihipan lang niya ang mata ko. May mga batang naglalaro kanina..." Lumunok ako at hinigpitan ang yakap sa kanya. "Nasanggi nila kami. Umiikot kasi sila sa mga lounge beds."

Ayokong pag-isipan niya kami nang masama.

"Ikaw ha! Pasabi-sabi ka pa na sa Saturday ka pa makakarating!" Dumiretso ang tingin ko sa malawak na karagatan at pinanood ang mga tao na ineenjoy ang ganda nito sa pamamagitan ng iba't-ibang water activities. "I'm happy you came."

Hinarap niya ako at inilapit ang kamay sa aking pisngi. Ipinulupot niya ang bisig sa aking baywang at hinaplos ang pisngi ko.

"You do know how to tame me, huh?" Tumitig siya sa aking mga mata. "I felt jealous, Tamiya. Akala ko ay may ginagawa na sa'yo ang lalaking 'yun."

Hinawakan ko ang kamay niya sa aking pisngi at hinalikan ito. "Are you crazy? Do you think I'm gonna let that to happen?"

Umiling siya at hinalikan ang labi ko. Ikinawit ko ang mga kamay sa kanyang batok.

"I'm sorry." He whispered as he moved his lips against mine.

Ngumisi ako at hinaplos ang kanyang batok. "Such a jealous man!"

Itinulak ko siya nang maramdaman ang paghampas ng alon sa aking paa. Nalukot ang noo niya at mukhang hindi nagustuhan ang ginawa ko. Nilagpasan ko siya at nang makalayo ay lumusong ako sa dagat.

Natatawa ko siyang pinanood. Tinahak din niya ang dinaanan ko. Hinubad niya ang suot na board shorts at kulay itim na tank top nang makalapit siya sa mga nakahilerang lounge beds, kung saan inilapag ko ang aking dress.

"Dash! Faster!" Sigaw ko at umatras pa sa papalalim na dagat.

Nang mapansin na wala na roon si Altamirano ay tila may kusa ang mga mata kong gumala.

Hindi nagtagal ay lumusong na si Dash sa dagat at hinabol ako. Panay ang tawa ko nang mahuli niya ako at binuhat.

"Akala mo, hindi kita mahuhuli?"

Kinagat ko ang ibabang labi at bumaba mula sa kanyang mga bisig. Niyakap ko siya at ramdam kong dahil ito sa pagkamiss ko sa kanya. We were both busy these past few weeks. Malimit ang naging pagkikita namin dahil na rin sa kailangan kong bisitahin ang branches ng Fortress sa iba't-ibang lugar.

Don't Play With Fire (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon