Chapter 21

68.4K 2K 152
                                    

Chapter 21

"Hindi lahat ng gusto mo, kahit alam mong mali ay gagawin mo pa rin!"

Kanina pa ako pinagsasabihan ni Phoenix. Nakaupo ako sa sofa at siya ay nakatayo, umiinom ng beer.

"You even forgot your bag!"

"Pwede ko namang balikan bukas diba?" Kinuha ko ang juice na kalalapag lang ni Lyka sa glass table. Uminom ako pagkatapos ay tumayo.

"Saan ka pupunta? Hindi ka pa nagdidinner!"

"Later. Food can wait." Umakyat ako patungo sa kwarto at nagbihis.

Hindi pa ako tapos sa ginagawa nang biglang tumunog ang cellphone ko. Nagdalawang isip ako kung sasagutin ko ba o hindi nang mabasa kung sino ang tumatawag. I couldn't forget what he said earlier.

"H-hello."

"Tagal mong sumagot." Aniya. "Pinagalitan ka ni Phoenix?"

Umupo ako at pinindot ang speaker mode. Nagpatuloy ako sa pagbibihis.

"As usual." Tipid kong sagot. "Napatawag ka?"

"Hmm... since Saturday bukas, aayain sana kita."

Kumunot ang aking noo. "Saan?"

"Music Café."

"O-okay." Kinagat ko ang ibabang labi.

"Alright! Gonna fetch you at 8 pm."

"Gabi?"

"Yep. The ambiance there is good especially at evening."

Humiga ako sa kama at pinaglaruan ang aking buhok.

"Okay lang ba?" Tanong niya nang hindi ako magsalita.

"May magagawa pa ba ako? Naka-oo na ako." Hindi ko napigil ang pag-ikot ng aking mga mata.

Mahina siyang tumawa. "Alright! Magdinner ka na. 'Wag kang masyadong magpaseksi. I don't want you to attract more attentions."

"Sira-"

"I'm serious."

Ipinikit ko ang mga mata. "Oo na. Bye!" I didn't wait for his response. Naaalarma na ako sa nararamdaman at hindi ko alam kung normal pa ba ito.

Kinabukasan ay maagang dumating ang mga pinsan ko sa bahay. Kinusot ko ang mata at kumunot ang noo.

"Too early assholes-"

"Watch your language, Tami." Putol sa akin ni Raxx. Seryoso ang mukha niya na lumapit sa akin at hinalikan ang aking noo.

Pinigil ko ang aking pagngiti. Gwapo talaga ni Raxx kapag nagsusungit!

Umupo sina Camilla at Jemimah sa sofa at nagslice sa cake na inihanda ng katulong. Lumapit ako sa kanila at kumuha rin ng platito.

"Tagal nila kuya Ezekiel." Usal ni Camilla pagkatapos sumubo ng cake.

"Malapit na sila."

Nilingon ko si Hiro na may kausap sa cellphone.

"Siguraduhin mo lang na wala kang boyfriend na dala. Bubugbugin namin 'yan." Ani Hiro.

"Who's that, Hiro?" Tanong ko.

"Hera Cassidy..." Lumapit siya sa akin at ini-speaker mode ang phone. "Ano may boyfriend ka na ba?"

"Kuya Hiro!" Angal ng boses ng babae sa kabilang linya. "Wala no!"

Mahina akong tumawa. "How would you have a boyfriend? You don't even know how to put lipstick!"

Don't Play With Fire (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon