Chapter 1

164K 3.1K 177
                                    

Chapter 1

"Have you seen him, Tami?"

Nilingon ko ang best friend kong si Jillian at sumimsim sa inumin kong cocktail.

"What's your plan?" she added.

Tumingin ako sa mga taong nagsasayaw sa dance floor.

"I don't have one, Jill. Ang mga taong manloloko, hindi dapat pinag-aaksayahan ng oras." Lumandas ang daliri ko paikot sa nguso ng baso. "Just enjoy the night. And forget."

Pagkaubos ko ng inumin ay tinawag ko ulit ang bartender para umisang baso pa. Iginala ko ang tingin sa dance floor hanggang sa tumigil ito sa kanya. This time, he was there, dancing with some girl.

Inubos ko muna ang cocktail drink bago ako tumayo. "I gotta go. 'Wag ka masyadong magpakalasing!" I said, then kissed her cheek.

"K, bitch! Pakabait ka!"

I rolled my eyes. Dinampot ko sa counter ang itim kong purse at lumabas ng bar.

Nasa parking na ako, malapit na sa kotse ko nang nakarinig ako ng pagtikhim. I turned around to see a familiar face.

Ngumisi siya, isang nakapangingilabot na ngisi. Hinaplos niya ang ibabang labi bago pumasada ang tingin niya sa akin mula ulo hanggang paa. "Dela Vega?"

"Miss Tamiya! Miss Tamiya! Gising na po!"

Umungol ako, tumagilid dahil antok na antok pa. Muli ay may paulit-ulit na tumapik sa braso ko.

I groaned and opened my eyes. "Ang ingay-ingay mo!" Bumangon ako, inis na ginulo ang buhok. Tumingin ako sa katulong. "Goodness, Lyka! Daig mo pa ang alarm clock. Kainis!"

Halata ang rumehistrong takot sa mga mata niya. Padabog akong tumayo at pumasok sa bathroom. Pagkahilamos ay dumiretso ako sa kusina.

Panira ng araw.

Nadatnan ko ang mga katulong na busy sa kani-kanilang gawain.

"Kilos nang maayos, baka makabasag. 'Di n'yo afford mga 'yan." Tinaasan ko ng kilay si Manang Didith na napatigil sa pagpupunas ng mga plato.

Umupo ako at napasandal sa inuupuan.

"Glass of water," utos ko sa limampung-taong gulang na kasambahay. "Fast!"

Umiling siya pero sinunod pa rin ako. "Anak, 'wag ka namang sumigaw. Kaharap mo lang kami," mahinahon niyang sabi.

"Don't call me 'anak', we're not related." Nagbato ako ng kutsara sa mesa na nagdulot ng ingay.

Napasinghap ang ibang katulong. Tumayo ako at hinarap si Manang Didith.

"Alam n'yo 'yong ayaw ko? 'Yong pinagsasabihan ako ng taong walang karapatan. Katulong ka lang at amo ako."

Bumalik ako sa kwarto dahil mas nawala na nang tuluyan ang gana ko na mag-agahan.

I was now a senior student in a famous private school. Dalawang linggo pa lang nang nagsimula ang pasukan kaya kahit bad trip ay kumilos na ako papasok.

"Nand'yan na si Tamiya! Tabi kayo!"

"Ang ganda niya talaga, 'no? Kaso nuknukan ng sama ang ugali."

"Tamiya!"

Tumigil ako sa paglalakad at hinanap ang may-ari ng boses. Si Forrah—ang pobre kong kaklase. Hanggang ngayon ay pinagtatakhan ko kung paano siya natanggap sa eskwelahang ito.

"What?" Humalukipkip ako.

"Ikaw ba ang naglagay ng gum sa palda ko?" nanginginig niyang tanong. "Isa lang kasi ang gamit ko sa pagpasok."

Nilapitan ko siya. Mabilis umingay ang paligid sa pagdami ng taong nanonood sa amin.

"Are you really accusing me? Baka nakalilimutan mo kung sino ang kaharap mo?"

Inilapit ko ang mga labi sa tenga niya. She was trembling.

"Don't mess with me, girl. Or you'll regret it," I whispered in her ear.

Pinunasan ko tumulong luha sa pisngi niya. Iyakin. Mahina. Ayoko sa mga taong mahina.

Tumalikod ako at napansin ko ang lalaking nakatitig sa akin. Nagtaas ako ng kilay pero nanatili ang titig niya. Inirapan ko siya at tuluyan na akong pumasok ng room. Umupo ako, dumekwatro habang naghihintay ng first subject.

"Good morning, class!" bati ni Miss Dimayugyog.

"Good morning, Ma'am!" ganting bati ng klase, maliban sa akin.

Iginila ni Miss Dimayugyog ang tingin at tumigil ito sa akin. Ngumiti siya. Sumagot ako ng pekeng ngiti.

"I have an announcement," she started. "You have a new classmate from Ilocos Sur!" Lumingon siya sa pintuan at lahat kami ay napatingin doon.

The new student was standing in the door.

"You may enter the room, Mr. Altamirano."

Confident na pumasok ang lalaki. Napuno ng ingay at bulungan ang room. Pumasada ang tingin ko sa kabuuan niya.

He was wearing a black V-neck T-shirt, a pair of faded jeans, and a pair of white sneakers.

"Hi, guys!"

Halos mapatakip ako sa tenga dahil sa biglang pagtili ng mga babae.

"I am Fire Sage Altamirano, from Ilocos Sur. Seventeen years old."

Beauty contest?

"Gwapo, sexy, mayaman, at hot! Right, Ma'am?" Tumingin siya kay Miss Dimayugyog at kumindat.

Natawa si Ma'am. Umirap naman ako. Doon ko napagtantong siya ang lalaking nakatitigan ko kanina.

Bumaling sa akin ang lalaki. Walang emosyon ko siyang tiningnan. Agad din siyang nag-iwas ng tingin at may lumarawang ngisi sa mga labi.

"What a nice introduction, Mr. Altamirano! Itinuro ni Ma'am ang upuan sa tabi ko. "Please seat beside Miss Dela Vega."

Sumimangot ako.

"Is there a problem, Miss Dela Vega?"

Nagpilit ako ng ngiti. "No, Ma'am."

Lumakad ang lalaki papunta sa direksyon ko. Nagpatuloy ang pagbubulungan, mostly ng mga babae dahil sa kanya.

"Ang gwapo niya."

"Swerte ni Tamiya."

Dumaan siya sa harapan ko. Naamoy ko ang pabango niya.

The class started and they were surprisingly active. Panay ang sagot ng mga babae na halatang nagpapasikat.

"My charm's really disturbing, huh?"

Napataas-kilay ko siyang nilingon. Kapal talaga ng apog. He was staring at me again.

"What? Too gorgeous?" I asked.

Humalakhak siya. "Maganda nga, bulok naman ang ugali. Aanhin mo ang ganda mo kung ang ugali mo basura?" Humaplos ang hintuturo niya sa ibabang labi. "I know what you did, seatmate."

Tuluyan ko na siyang hinarap. "Alam mo, ang lakas ng loob mo na kausapin ako. Hindi mo ba ako kilala?"

"Hindi," mabilis niyang sagot. "Sino ka ba?"

Ngumisi ako at nangalumbaba paharap sa kanya. "I'm Tamiya Azia Dela Vega."

Suminghap siya at mas lumawak ang ngisi ko. Ngayon, kilala na niya ako.

Don't Play With Fire (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon