Chapter 38

66.8K 2K 300
                                    

Chapter 38

Naghahapunan kami at kahit anong gawin ko ay hindi ko mapigil ang sariling tapunan nang masamang tingin si Forrah. Sa tuwing nagtatama ang aming paningin ay agad siyang umiiwas.

"Taste it. This is good!" Inilapit ni Dash sa akin ang tinidor na may nakatusok na ulam.

Binalingan ko siya ng tingin at tinanggap ito.

"Are you okay? Kanina ka pa wala sa mood." Pansin niya.

Uminom ako at pinunasan ang aking bibig. Dahil hindi makakain nang maayos ay tumayo na ako na ikinagulat nila.

"Tapos ka na?" Nakakunot noong tanong sa akin ni Hera.

Tumango ako. Hinawakan ni Dash ang aking kamay ngunit hindi ako nagpapigil sa kanya. Bumitaw ako at tumalikod.

"Tamiya!" Tawag niya.

Ramdam ko ang pagbaling ng atensyon sa akin ng iba pang kumakain. Dire-diretso akong lumabas ng restaurant at naglakad papunta sa Fireside.

Kinuha ko sa aking purse ang cellphone nang maramdaman ang pagvibrate nito. Binasa ko ang natanggap na mensahe.

Jillian:

Are you kidding me?

Bumuntong-hininga ako at nagtipa ng tugon.

Me:

I watched them enter the suite! Sa tingin mo ba ay nagsisinungaling ako? Sigurado ako sa nakita ko Jill!

Jillian:

Anong balak mo?

Hindi ko na siya nareplayan dahil biglang may humawak sa aking kamay. Kahit hindi ko tingnan ang may-ari ng kamay ay kilala ko na.

"Dash, go back there." Inangat ko ang tingin sa kanyang mukha.

"Where are you going?" Tanong niya.

Inilapit ko ang sarili sa kanya at hinalikan siya sa labi. "Fireside."

"Do you think I'm gonna let you?" Nalukot ang kanyang noo.

Hindi na niya nagugustuhan ang inaasta ko. Hindi ko siya masyadong pinapansin at alam kong naiirita na siya. Lalo na't hindi ako pumunta sa suite niya para gawin ang napag-usapan namin.

"What is the problem Tami? I was waiting for you in my suite but you didn't come." Lantad sa boses niya ang tampo.

"I'm sorry okay?" Nagpatuloy ako sa paglalakad at pilit niya akong sinasabayan. "May nangyari lang kanina."

"Ano ngang nangyari?" Muli niyang tanong.

Hindi ako nagsalita hanggang sa makarating kami sa Fireside. Umupo ako sa bar counter at umorder ng alak.

"No please, don't give her."

Marahas ko siyang binalingan. "Dash!"

Hinawakan niya ang aking kamay at hinalikan ito. Napapikit ako sa inis na nararamdaman.

"Please, tell me."

Napilitan na akong harapin siya. Magsasalita pa lang ako nang tumabi sa kanya si Altamirano na kasama si Forrah. Muling kumalat ang galit sa aking dibdib at humarap sa bartender.

"Give me a glass of champagne." Utos ko. "We'll talk about it later, Dash."

Hindi na siya nagsalita. Nang lingunin ko siya ay nakaigting na ang kanyang panga. Tumingin siya sa kanyang gilid. Kumuyom ang kamay niya sa hindi ko malamang dahilan.

Don't Play With Fire (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon