Chapter 27

70.6K 1.8K 266
                                    

Chapter 27

Nilagpasan ko sila at pinagmasdan ang mga tutubing nagliliparan sa mga halaman, sa maganda at malawak na hardin. May mga paru-paro ring iba't-iba ang kulay.

"Tutunganga ka na lang diyan?" Nilingon ko si Altamirano.

"Sige na Fire. Pasok na muna ako kasi ibibigay ko pa kila ate Marcie itong pinadalang gulay ng nanay." Tumungo si Forrah.

Ngayon ko lang napansin na may hawak nga siyang mga gulay.

"Sige." Tugon ni Altamirano.

Hindi na ako sinulyapan ni Forrah at naglakad papasok ng bahay. Nang lingunin ko si Altamirano ay kumunot ang aking noo dahil sa tila panonood niya sa akin.

"Hindi mo kailangang maging rude sa kanya." Humakbang siya palapit sa akin. Kinuha niya ang aking kamay at lumapit kay Severo.

Bumitaw din agad ako at hinaplos ang kabayo. "Hindi mo rin siya kailangang ipagtanggol sa akin."

Akmang aalalayan niya ako pagsakay kay Severo ngunit hindi ko ito tinanggap. Kinaya kong makasakay.

"Ano bang dapat kong gawin para hindi mo na siya awayin?"

"Isama mo sa pamamasyal natin. Tas pagdating natin sa ilog, lunurin mo." Sagot ko.

"Dela Vega!"

Gumalaw ang aking ulo para tingnan ang kanyang reaksyon. Pagkainis ang inilarawan ng kanyang mukha.

Dinala ko ang kamay sa kanyang pisngi at hinaplos ito. "Ang boyfriend ko, di na mabiro." Mahina akong tumawa at binawi ang kamay. "Tara na. Namimiss ko na ang inang at tatang."

Sumakay siya sa aking harapan. Dumikit ang kanyang likod sa aking dibdib. Pinagapang ko ang mga kamay sa kanyang bewang. I felt him become rigid. Itinuon ko ang baba sa kanyang balikat.

"Bakit hindi mo sinabay si pobre pauwi dito?" Pag-uusisa ko.

"I won't do that. You're with me." Lumamig ang kanyang boses.

"So kung hindi pala ako sumama, isasabay mo siya?" Kumalat ang inis sa aking sistema.

"Hindi. Ayokong magalit ka." Sinimulan niyang patakbuhin ang kabayo. "Hiya!"

I remained silent. Mabilis ang kanyang pagmaniubra kaya mahigpit din ang aking pagyakap. Hindi ako nagpahalatang kinakabahan sa bilis ng aming takbo.

"Magandang umaga senyorito!" Bati sa kanya ng trabahador na nadaanan namin.

Ngumiti ako nang madaan sila ng tingin. Si Altamirano ay tahimik lang at tipid na ngumingiti. Kinawayan ko ang mga kumaway sa amin.

Wala pa atang sampung minuto nang makarating kami sa bahay nila inang at tatang.

Bumaba siya at hinawakan ang bewang ko. Napatingin ako sa pinto nang lumabas dito ang dalawang matanda. Hindi na ako nag-inarte at tinanggap ang tulong niya kahit ang dapat ay tinatanggihan ko ito, dahil hindi pa rin napapawi ang inis ko.

Hinawi ko ang mga kamay niya nang maramdaman ng aking mga paa ang lupa. Tumakbo ako palapit sa dalawang matanda. Mahigpit silang yumakap nang sabay sa akin.

"Mabuti't naisipan mong dalawin ulit kami dito, hija!" Masiglang sabi ni inang nang humiwalay ako.

Ngumiti ako at hinawakan siya sa magkabilang kamay. Ang tatang ay mahinang tinapik ang aking balikat.

"Hijo, bakit napakaseryoso naman ata ng mukha mo?" Pansin ng tatang sa kanya.

Muli akong yumakap kay inang. "Namimiss ko na kayo. Nung sinabi ni Altamirano na hinahanap niyo ako, hindi na ako nagdalawang-isip na sumama sa kanya." Kumawala ako.

Don't Play With Fire (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon