Chapter 37

75K 1.8K 217
                                    

Chapter 37

"Ibig mong sabihin, umalis na rin siya pagkatapos ka niyang papasukin sa suite mo?" Tanong ni Jillian.

Ilang minuto na kaming nag-uusap. Tumawag siya para mangamusta kaya heto't ikinukwento ko sa kanya ang mga nangyari.

"Anong gusto mo papasukin ko rin siya?" Sarkastiko kong tanong.

"Pwede rin tapos..." Humagikgik siya. "Tapos nagparape ka!"

"Gaga!" Tumayo ako at dinampot ang aking bag. Isinukbit ko ito at lumabas ng suite.

"Hot niya kasi! Naisip ko lang na baka naaattract ka pa rin sa kanya. And... I think he's just doing that, for you to get back to your old self."

Naiiling akong sumakay ng elevator. Pumindot ako ng numero at tiningnan ang sariling repleksyon sa salamin.

"I didn't change Jill." Saad ko. "Can't he just leave me alone?"

"Why don't you ask him that?"

"Sa tingin mo ba ay hindi ko siya tinataboy? May Dash ako remember?" Kusang umikot ang aking mga mata.

"Sus! Baka naman hindi mo talaga ginagawa. Baka naman gusto mo pa rin talaga si Fire?" Lantad sa kanyang boses ang pang-aasar.

Bumukas ang elevator at marami ang pumasok.

"Good morning miss." Bati sa akin ng isang magandang dalagita.

Tumango ako. "Are you nuts? That's very impossible!" Bumaba ako nang makarating sa floor kung nasaan ang fitness gym.

"Okay. Okay. Sabi mo e!" Mahina siyang tumawa. "Paano? Papasok na ako sa trabaho. Chika mo na lang sa akin 'pag ginulo ka ulit ni Fire. Bye!"

"Bye!" Tugon ko at pinatay ang tawag.

Nang makita si Dash ay agad ko siyang nilapitan.

"Good morning beautiful!" He greeted.

"Good morning..." Ganti ko. "Kanina ka pa rito?"

Umiling siya at hinawakan ang kamay ko. Tumungo kami sa reception desk. Hindi nagtagal ay pumasok na kami sa mismong loob ng gym. Lumapit sa akin ang aking instructor sa tuwing narito ako sa Fortress.

"Hello, Tamiya!" Bati niya sa akin.

Nilingon ko si Dash at napansin sa mukha niya ang biglang pagseryoso. Inilapit ko ang labi sa kanyang tainga. "First time mo nga lang pala dito. 'Wag kang magselos. He's a friend."

Tumikhim ako at nilingon ang instructor. "

"Gilles... he's Dash Agrezor, my boyfriend."

Lumapit si Gilles kay Dash at inilahad ang kamay. Napangisi ako nang seryoso pa rin ang mukha ni Dash. Kinuha rin naman niya ang kamay nito.

Iginala ko ang paningin sa mga babaeng nagwowork out at kusang umarko ang kilay nang makita ang pag-inspeksyon nila ng tingin kay Dash.

"Staring is a sin if the guy is already taken." Nakuha ko ang kanilang pansin. Kinagat ko ang ibabang labi dahil sa pagpipigil ng tawa nang rumehistro sa mukha ng mga kababaihan ang iba't-ibang reaksyon.

Nang tingnan ko si Gilles ay panay ang kanyang iling. "Wait lang Tami. I'll just get something before we start."

Tumango ako. Nang makaalis siya ay inilapit ko ang sarili kay Dash. I gave him a peck on his lips. Ngumisi siya at kinindatan ako.

Nang tumalikod siya para tumungo sa kabila kung saan ang mga lalaki ay dumiretso na ako sa treadmill. Hindi rin naman nagtagal ay bumalik si Gilles para asikasuhin ako.

Don't Play With Fire (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon