Chapter 3

99.3K 2.8K 300
                                    

Chapter 3

Kanina pa ako naaalibadbaran sa tinging ipinupukol sa akin ni Altamirano. Umayos ako ng upo at isinuksok sa aking tenga ang earphones.

Hindi ko mapigilan ang mairita. Kung hindi dahil sa adviser naming si Ms. Dimayugyog ay sana hindi ko kalapit ang mayabang na lalaking ito.

Napahampas ang aking kamay sa sariling desk. "Pwede bang magsitahimik kayo?!" sigaw ko nang hindi na ako makatiis.

Tumayo ako at dumiretso ng upo ang mga babaeng nag-iingay.

"Anong sabi ni Sir Hajas?" Tumaas ang kilay ko at inilibot ang tingin sa mga babaeng walang ginawa kundi ang magpa-cute kay Altamirano. Iniwanan kami ni sir ng activity pero hindi ako makapag-concentrate. How could I? Napakaingay nila! "Huwag daw maingay diba? What are you guys doing? Dakdakan kayo nang dakdakan. Tsismisan kayo nang tsismisan. Kaya walang laman 'yang mga utak ninyo!"

"Bakit ikaw?" Singit ng lalaking katabi ko.

Binalingan ko si Altamirano.

"Ikaw anong laman ng utak mo? Ang manakit? Ang mamahiya? Anong ginawa sa'yo ng mga kaklase natin at kung makasigaw ka dyan, parang may ginawa silang masama?"

Napuno ng bulungan ang classroom.

"How dare you judge me?" Mariin kong tanong. "Kung makapagsalita ka diyan kala mo kilala mo ako."

"Bakit? Hindi ba't kahusga-husga naman ang ugali mo?" Tumayo siya at tumungo sa harap ko. Hinampas niya ng kamay ang aking desk at galit ang mga matang tumitig sa akin. "You hurt Forrah." Umigting ang kanyang panga.

Iginala ko ang paningin sa mga kaklaseng muling natahimik. Dumapo ang paningin ko kay Forrah. I could see the uneasiness in her eyes.

"Ang kapal naman ng mukha mong pagbintangan ako sa nangyari sa girlfriend mong pobre." Ngumisi ako at naghalukipkip. "Ganyan ba talaga kayong mga taga-bukid ha? Mapagbintang?"

"Anong sabi mo-"

"Good morning class!"

Napaatras siya. Ngumisi ako at umupo. Kung bakit naman kasi late nang pumasok si Ms. Dimayugyog. Tuloy ay nakatikim na naman si Altamirano ng maaanghang na salita sa akin.

Nagsimula ang klase at hindi matanggal-tanggal ang ngisi sa aking labi. Muli ko siyang tinignan. Inirapan niya ako. Kinagat ko ang labi para pigilin ang pagtawa.

Alam kong galit siya sa akin dahil sa nangyari kahapon, pero hindi ko pinagsisisihan ang ginawa ko sa kanya. Ang totoo, naiisip kong siya naman kaya ang kawawain ko? Tignan lang natin kung hindi niya ako tantanan. Pinagbantaan niya ako kahapon pero hindi ako duwag para matakot.

"Good morning Dela Vegas and classmates!"

Dumako ang tingin ko sa may pintuan. Kumunot ang aking noo nang makita ang mga pinsan kong lalaki. Dire-diretso silang pumasok.

"What?" Tanong ko.

Kalalabas lang ni Ms. Dimayugyog kaya walang nakapigil sa kanila. Tumingin ako sa paligid, halata ang kilig sa mukha ng mga babae.

"Camilla texted me. Ang sabi, may lalaki raw dito na kumakalaban sa'yo? Is that true?" Tanong ni Conrad.

Sumandal ako sa kinauupuan at iritadong pinalipat-lipat ang tingin sa kanila. "Seriously? Pumunta kayo rito para alamin 'yan?"

"We just wanna know the guy." Hinaplos ni Phoenix ang kanyang buhok.

Sa mga pinsan kong lalaki ay si Phoenix ang may pinaka-maraming babae. He had the most beautiful eyes among them. Kaya siguro maraming naloloko sa kanya. Conrad had his own ways to allure girls. His voice could make girls drool. Hiro had the most fair and seamless skin. Daig pa niya ang ibang mga babae sa puti at kinis ng kutis. And Raxx, the most serious type, a taciturn guy.

Don't Play With Fire (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon