NOPI 20: Paano nga ba malaman kung gusto mo ang isang tao?

Start from the beginning
                                    

"Suplado pa siya non at walang modo. 'Anong problema mo sa akin? May ginawa ba akong masama sayo? Your glaring at me and it's fucking annoying. Wala naman akong natatandaang may mali akong ginawa ah'. Yan ang unang sinabi niya sa akin. Hah. Gago no? Tumatak talaga sa utak ko" natawa naman ako kaagad


Nangyari pala 'yun?

What guts.


"I answered him na kasi lagi siyang nakikipag-agawan sa Top 1. Sinabihan niya ako na ano ba raw ang big deal kaya naman mas nainis ako sakanya at muling hindi kami nagpansinan"


Top 1. It might not be that big of a deal for him pero for Venus, it is.


"Nung finals na at siya nanaman ang Top 1, it was my last chance in convincing dad para hindi ako ipa-abroad. Out of depression, I cried and Ken saw me. Sa hiya ay tumakbo ako pero nawala lahat ng kahihiyang naramdaman ko nang habulin niya ako at kinausap. Nalaman niya kina Stephanie kung gaano kaimportante ng Top 1 sa akin at alam niya na ang isang condition para hindi ako paaralin sa abroad ay ang maging number one. He understood and apologized sa sinabi niya noon and he told me to talk to my parents about it. Sinunod ko siya at surprisingly, hindi nagalit si dad at sinabihan ako na do what you want" napa-wow naman ako sa pagkabilib ko kay Ken

"Weeks and months passed, I noticed that I've been searching for him, we started having conversations about our studies and I knew I became a better version of myself. He became my goal, my new motivation" napangiti na ako kaagad


Hearing someone else's love story's really good. Nakakainggit na nakakatunaw ng puso. Haha


"Kung nasasagi siya sa utak mo lagi, kung nagiging inspirasyon mo siya, kung komportable kapag kasama mo siya't at the same time ay kinakabahan. Yung kapag maraming tao, siya agad nanapansin mo. Kahit na parehas pa rin ang lahat, kakaiba kung kasama mo siya. Maraming signs kung gusto mo ang isang tao, Seph. It varies on the personalities and the kind of relationship you have. I'm not an expert, so I'm not sure if it can really help you sort your feelings out"


Nung makarinig kami ng tawanan sa may tinutuluyan namin ay nagkatinginan na kami ni Venus saka tumayo at nagsimulang maglakad.

Gusto ko nga ba si Charles?


"Alam ko ang iniisip mo," napatingin naman ako kay Venus nung mag-cling siya sa kamay ko

"Gusto ba talaga 'tong nararamdaman ko para sakanya?" bumugtong hininga ako dahil nahulaan niya

"I'm just confused, that's all"

"You mean.. scared, right?" pagkasabi niya non ay napahinto ako sa paglalakad


Yeah. Really scared.

Matagal na kaming magkasama. Napaka-close na namin. Hindi lang si Charles, kundi pati na rin sina Ed, Rico, Rod at Ken.

Natatakot ako na kapag nalaman nila ang sekreto ko, baka magalit sila sa akin.


"I want you to be happy, Seph. Pero if you tell them the truth, they'd still accept you. They're nice people. And we're so lucky to have met them"

"Takot parin ako. Baka magalit sila sa akin"

"I know how you feel. Alam din namin ang sekreto mo, kaya naman hindi lang ikaw ang nagsisinungaling dito, Seph"


Nakaramdam naman ako kaagad ng guilt.

Tama. Nadadamay sila sa sekretong 'to.


"Pero no harm done, Seph. After all, you're our muse. You're our youngest sister. Kung saan ka masaya, dun din kami. Pero you're in a bind right now. You might make mistakes by beginning to get pressured. So ang masasabi ko lang sayo ay sabihin mo nalang sakanila kung handa ka na. And about sorting your feelings, 'wag lang ang utak mo ang gamitin mo. Pati rin ang puso mo. You don't have to rush things. Malalaman mo rin ang sagot na hinahanap mo kapag kasama mo siya" sagot niya saka niya ginulo ang buhok ko at bumalik na kami sa loob


Easier said than done. Kailangan ko nang malaman dahil natatakot ako.

Alam ko kasing gusto ni Charles si Jospehine na isa sa mga Falcon at hindi ako na si Sephine Cruz.

►Nerd on the outside. Princess on the inside (NOPI)◄Where stories live. Discover now