NOPI 19: Everything seems different now

Start from the beginning
                                    

"Si Charles.. Talaga bang.." - ako


"Maybe" - Rod


"Medyo" - Ed


"Baka" – Ken


Nagtawanan na kami.


"Wanna bet?" – ako


"Nah. Tama naman ata tayong lahat eh" – Rod


"Matagal ko nang alam" – Ken


"First encounter palang" – Ed


Nagkatingin kami ulit at nagtawanan nanaman ulit.



Sephine's POV


"HAHAHAHAHAHAHA!" nakanganga lang ako habang pinapanood sila Ed na nasa tabing dagat


They're laughing like crazy.


Pinagtitinginan din sila ng ibang tao. Kung hindi lang sila mga gwapo, pagkakamalan ko silang grupo ng mga baliw.


"Psh. Buti nalang umalis na ako dun. Hindi ko sila kasama" sabi ni Charles kaya naman natawa nalang ako


"Ano kayang pinaguusapan nila? Mukhang masayang masaya sila dun" sagot ko


Hindi naman nagtagal ay naghabulan na sila kaya naman napailing nalang ako at nagpatuloy nalang sa pagbabasa.


"They look like kids," napatingin ako kay Charles dahil dun

"Yeah. Why don't you join them?" tanong ko pero napasimangot siya kaagad

"It's fine. Ganito naman lagi. I get to watch others have fun" napatitig ako sakanya


He's.. sulking? Nung makita ko mga mata niya, napaka-seryoso. Being the next heir to the Begley Corporation probably gave him a lot of pressure.

Though I know how it feels.


"Anyways, bakit ba ayaw mong lumangoy?" biglang tanong ni Charles kaya naman napatingin ako sa dagat


Baka masira ang disguise ko eh. Haha


Pero syempre, hindi ko 'yon pwede sabihin sakanya.


"Mainit" sagot ko kaya naman tumango nalang siya at bumalik na sa pagbabasa


Ilang minuto din ang lumipas pero hindi pa rin bumabalik 'yung mga pinsan ko.


Anong ginagawa nila dun sa antique shop? Halos 1 hour na silang nandun.


"I'm getting hungry. Gusto mo ba ng ice cream?" tanong ni Charles sa akin kaya naman tinignan ko siya


"Strawberry sayo, right?" tanong niya kaagad kaya naman natawa nalang ako saka tumango


"Okay. Wait lang. Bibili muna ako" sabi niya saka siya tumayo at naglakad na papunta sa isang store


Sinundan ko lang ng tingin si Charles, those same broad shoulders and amazing figure. To top it off, naka-t-shirt lang siya at chill shorts at slippers. He's Charles. I know he is. He's acting the same as before pero.. bakit parang may kakaiba ngayon?


Nung makita ko 'yung ilang babae na lumapit sakanya ay talagang pinagpatuloy ko lang ang pagtingin sakanila. Mukhang tinatanong nila si Charles at ini-invite na mag-laro ng beach volleyball. Hindi ako nakapag-react nung bigla siyang hawakan nung isang babae sa dibdib niya.


Of course. It's Charles after all. He's not the Heartthrob Prince of Royal Academy for nothing. Simpleng simple lang ang get up niya pero nakakakuha na siya kaagad ng atensyon ng maraming tao.


Alam ko naman pero bakit ba ganito ang nararamdaman ko? Matagal naman siyang pinagkakaguluhan eh.


Nabigla ako nung nagsalita si Charles saka siya lumingon sa akin. Nung tumingin na 'yung mga babae sa akin, agad na akong tumalikod at hinarap ang dagat.


What was that!?


Napahawak ako sa dibdib ko. Damn. Aatakihin na ata ako sa puso.


And what is this?!

►Nerd on the outside. Princess on the inside (NOPI)◄Where stories live. Discover now