29th: Visitors Day!

Zacznij od początku
                                    


Pero walang sagot na nagmula sa estranghero. Sa halip ay mas mahinang katok ang narinig kong mula dito.


Lalo akong nakaramdam ng takot pero pilit kong nilakasan ang loob ko.


Nagbilang ako ng tatlo bago lakas loob na binuksan ang pinto at sumisigaw na inispray ang hawak kong pepper spray sa kung sinong tao sa labas.


Pero laking gulat ko nang makita ko si James na nakabulagta sa sahig.


"K-King! What happened to you?"agad ko itong nilapitan upang ibangon.


Pero para akong napaso nang hawakan ko ito. Inaapoy ito ng lagnat!


Tanging ungol lang ang naging sagot nito kaya pilit ko itong inakay papunta sa kwarto ko.


Nakalimutan ko na may susi nga pala ito ng apartment ko kaya ito nakapasok.


Nang maihiga ko ito sa kama ay nagmamadali akong kumuha ng tubig at gamot para maipainom dito.


Biogesic nalang muna ang pinainom ko dito dahil duda ko kung nakakain na ba ito o hindi pa.


"Ano ba kasing nangyari saiyo at inapoy ka ng lagnat ng ganyan? King naman! Hindi ka pa ba nadala sa pagkakasakit mo noon? Alagaan mo naman ang sarili mo!"sermon ko dito nang makita kong naimumulat na nito ang mata nito.


Plano ko na sanang tumawag sa family doctor ng mga ito nang pigilan niya ako.


"Sorry."paos na sagot nito at pilit na ngumiti.


"Sorry-sorry. Ewan ko sa'yo King. Kahit kailan ka, hindi ka maiwanang mag-isa."patuloy ko paring sermon sa binata na nginitian lang nito.


"I'm starving." balewalang bulong nito.


"Hay naku! Wala ka paring pinagbago! Ayaw mo paring nasesermunan pero ayaw mo rin namang makinig! Oh anong gusto mong kainin?" tanong ko dito.


"Sopas. Yung luto mo."nakangiting sagot nito.


Nanlaki naman ang mata ko. Alam naman nitong hindi ako marunong magluto eh. Pero dahil may sakit ito, hindi nalang ako nagreklamo.


Saglit akong nagpaalam dito upang magluto.


Nangalkal ako sa cabinet at laking pasasalamat ko dahil mayroon ako ng lahat ng kakailanganin kong sangkap na si James din mismo ang bumili noong nakatira pa dito ang binata.


Inabot din ako ng halos isang oras sa pagluluto. Napangiwi naman ako nang matikman ko ang sopas na hindi ko tiyak kung lasa na bang sopas. Ang tabang!


Gusto ko nang umiyak dahil hindi naging masarap ang resulta n paghihirap ko. Plano ko na sanang itapon ang sopas at planong bumili nalang sa labas ng marinig ko ang paglapit ni James.

I'm inLUST with my BOSSOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz