29th: Visitors Day!

30K 381 91
                                    

(SHORT NOTICE:

Sa mga nakabasa na po ng unang version ng CHAPTER 27, siguro po nagtataka kayo kung bakit  parang putol.. Nagkaroon po kasi ng conflict yung ginawa ko sa phone at yung ginawa ko sa PC.. Pero na-update ko na po iyon kahapon kaya sa mga interesado pang basahin yung edited  version ng CHAPTER 27,  irefresh nyo nalang po yung buong story o kaya naman, REMOVE nyo po muna sa library nyo yung story ko and then ADD nyo nalang po ulit..

Kung "Lezz talk about "S"" po ang title ng CHAPTER 27 sa library nyo, ibig sabihin yun po yung unang version...

Yun lang po.. :)

Maraming salamat!

Enjoy reading guys!! Mwaah!)


Hindi ko mapigilan ang mapangiti habang binabasa ang convo namin ni Iñigo.


Mula noong unang makatext ko ito ay hindi ko pa binubura ang lahat ng messages nito kahit na halos mapuno na ang memory ng cellphone ko.


Halos mapunit na rin ang pisngi ko sa kakangiti.


"Oh oh, pag-ibig.. Oh oh, pag-ibig.. Oh oh, pag-ibig.."


Parang timang na kanta ko habang nakatitig sa kisame.


Pero nabura ang ngiti ko ng bigla kong maalala si Sonny.


Tumawag na naman kasi ang Mommy nito kanina habang nagbabyahe kami pauwi at sinabing mas lalong sumama ang lagay nito at nang baby nito mula nang huling dumalaw kami. Hindi narin daw nakuhang maisalba ng doctor ang buhay ng bata kaya nagpasya na ang mga itong iparaspa na si Sonny kahit na pilit parin daw tumatanggi ang huli dahil nasa denial stage parin daw ito.


I feel sorry for her. I wanted to come and visit her pero tumangi ang Mommy nito na tumanggap ng ibang bisita. Tanging si Iñigo lang daw kasi ang gustong makita sa ngayon ni Sonny kaya matapos akong ihatid ng binata ay hinayaan ko na itong puntahan muna si Sonny upang makiramay narin sa kalagayan nito.


Sa totoo lang ay hindi ako kampante sa dalaga pero pilit ko itong binura sa isip ko dahil alam kong mabigat ang pinagdaraanan nito sa ngayon at kailangan nito ng karamay.


Hindi kasi mabura sa isip ko ang naging reaksyon nito nang dumalaw kami sakanyanang nakaraang araw.


Halato ang pekeng ngiti at hindi rin nakalagpas sa mga mata ko ang pigil na iritasyon nito nang malaman nito ang relasyon namin ni Iñigo.


Hindi ko na ito binanggit pa sa binata dahil ayaw ko namang lumabas na sinisiraan ko ang kaibigan nito.


Naputol ang pagmumuni-muni ko nang makarinig ako ng mahinang katok sa pinto nang kwarto ko.


Muntikan na akong mapatalon sa kama at mapatili dahil sa takot. Agad kong kinuha ang pepper spray ko sa bag at kumuha rin ng kahit anong matigas na bagay na maaari kong ipangdepensa bago nanginginig na lumapit sa pinto.


"S-sino yan?"pilit kong pinatatag ang tinig ko upang hindi mahalata ng sinumang pangahas ang takot na nararamdaman ko.

I'm inLUST with my BOSSWhere stories live. Discover now