NOPI 16: Ms. Mysterious and Mr. Aloof

Start from the beginning
                                    

Umupo naman sa kabilang gilid ko si Rico, si Charles tumabi kay Sephine habang si Rod naman ay nakatayo lang sa likod ni Sephine at mukhang tinitignan ang sinusulat niya.


Nasa pinakatagong part kami ng greenfield para malayo sa ingay. Alam nilang nandito kami dahil lagi kaming dito nagmi-meet up kung may mga occasions kaming napagkasunduang puntahan.


Atsaka mahirap na. Baka puntiryahin nanaman ng mga bullies si Sephine dahil nilalapit lapitan namin siya.


People can be both insecure and stupid at the same time. It's ridiculous really but I guess it's just how humans are.


"Anong sagot mo sa exam? It's patterned, right? Kaya ang bilis mong natapos, diba?" tanong ni Ken kaya naman napa-isip ako


"All C" sagot ko


"Diba? Pero ang sabi sa akin nung katabi ko marami daw akong tama pero marami ring mali" sabi ni Ken kaya naman kumunot noo ko


"Ano? Hindi ko naintindihan ang pinagsasabi mo, tol" sagot ko


"Maraming tama dahil C ang karamihang sagot" napatingin naman kami kay Sephine dahil sa sinabi niya saka ako napatingin kina Ken


Napalunok ako habang si Ken naman ay agad na naubo.

Halata namang napansin ni Sephine 'yung mga reaksyon namin dahil huminto siya sa pagbabasa.


"Don't worry. Pasa pa rin kayo kung C ang lahat ng naging sagot niyo" sagot ni Sephine saka siya natawa


"54 na mga questions na C ang tamang sagot. Barely passed" dagdag niya saka niya pinakita sa amin 'yung notebook na kanina niya pang sinusulatan


Napanganga ako sa sinulat niya.


Organized, clean and clear. Ang ganda pa ng writing niya. She wrote all her answers at the previous exams and already made some corrections and calculated her own scores.


"Whoah. You memorized your answers and rechecked them here?" tanong ni Ken saka niya kinuha 'yung notebook


"So 6 mistakes ka lang, Seph?" tanong ko na ikinatango niya kaya naman napanganga na ako


Unbelievable. May mga ganitong klaseng tao pala talaga.


I'm so lucky that she's here!


"Ikaw! Ikaw na talaga ang tamang sagot, Seph!" sigaw ko saka ako umurong at lumapit kay Sephine


"Ha?" naguguluhang tanong niya habang tinitignan niya 'yung mga kamay niyang na-sandwich ng mga kamay ko


"Could you tutor me? Please?" tanong ko kaya naman napatitig siya sa akin


►Nerd on the outside. Princess on the inside (NOPI)◄Where stories live. Discover now