Hindi ako ang babaeng para sa kanya. Hindi ako ang babaeng may kakayahang suklian nang wasto ang pagmamahal niya. Hindi ako ang babaeng nararapat na hawakan niya nang mahigpit dahil alam kong sa huli ay ako ang kusang kakawala.

Nang makundisyon ang sarili ay tumayo ako. Binuksan ko ang pinto at sumalubong ang nag-aalala niyang mukha.

"Altamirano..."

Inilahad niya ang bisig. Hindi na ako nagdalawang isip at yumakap sa kanya.

"Wala na... nasaktan ko na siya!" Isinubsob ko ang mukha sa kanyang dibdib.

Hinaplos niya ang aking buhok. "Shh... everything will be fine."

Humiwalay ako at hinawakan ang kanyang kamay. Hinigit ko siya papasok at binitawan siya nang makarating kami sa sofa.

Kumuha ako ng wine at nagsalin sa dalawang kopita.

"You're not gonna drink-"

"We're gonna drink." Putol ko. "Para sa pagkapanalo mo at pagkatalo niya. Masaya ka na?"

Napalunok siya. Hindi ko pinansin ang reaksyon na iyon. Pare-pareho lang kaming nasasaktan dito!

Tumabi ako sa kanya at inilahad ang isang wine glass. Tinanggap naman niya ito.

Sumimsim ako at iniwas ang tingin. "He's hurt and I couldn't do something to ease the pain. Ang sama ko 'di ba? After ko siyang sagutin, maging kami tapos sa huli wawasakin ko lang siya."

Hindi siya nakapagsalita. Inilapag ko ang baso sa mesa. Hinaplos ko ang aking buhok at isinandal ang likod sa sofa.

"I'm the most heartless person-"

"You're not." Agap niya.

Umangat ang labi ko para sa isang ngisi.

"Nasasabi mo 'yan kasi hindi ka ako. You do not know what is inside me. You don't know the guilt and how it bothers me!" Napataas ang boses kong sabi. Pinunasan ko ang luha sa aking pisngi at umiling. "Tama siya e... sana hindi ka na lang bumalik. Sana nagmove on na lang tayo. Sana kinalimutan na lang natin ang lahat. Ang daming sana!"

Nilingon ko siya. Titig na titig siya sa aking mukha. Umirap ako at muling sumimsim sa baso.

"Sana hindi ko siya nasaktan. Sana ngayon nakangiti pa rin siya. Wala siyang ginawa kundi ang mahalin ako! Tapos ako, ang ginawa ko ay nakipaghiwalay sa kanya kasi alam naming dalawa na may mali!"

"You're mad that I came back." He said.

Kinagat ko ang ibabang labi. "I'm mad at myself. Hindi sayo. Kasi ako 'yung may mali dito."

Niyakap niya akong muli. Hinampas ko siya sa likod at hindi napigilan ang humikbi.

"What am I gonna do now? I don't deserve to be happy! I don't deserve the happiness he wants me to have!" Pinaghahampas ko siya sa likod.

"Kung pwede ko lang akuin ang lahat ng sakit na nararamdaman mo, gagawin ko." Mas humigpit ang kanyang yakap. "Forgive me..."

Kumalas ako, tumayo at muling nagsalin ng wine. "Don't kid me. I know you're happy about our break up."

"You think I am?"

Nilingon ko siya. Umigting ang kanyang panga at mariing pumikit.

"I was expecting the same. Na magiging masaya ako kapag naghiwalay kayo. Pero hindi-"

"Hindi?" Mahina akong tumawa. "Wag kang magkunwari. Isa kang gago! Isa kang gago na may kakayahang baguhin ang isip ko! Ikaw lang ang lalaking may kakayahang bumali ng prinsipyo ko!"

Don't Play With Fire (Published under Pop Fiction)Where stories live. Discover now