Sunud-sunod na pumatak ang mga luha sa aking balikat.

"Why did he have to come back?" Nanghihina niyang tanong. "Bakit kung kailan akala ko ikaw na 'yung babaeng para sa akin saka siya nagpakita? Bakit kasi... siya yung mas?"

Hindi ko na napigil ang pagbuhos ng aking luha.

"Ang bilis... ang bilis-bilis niyang maagaw ka sa akin." Idinikit niya ang mukha sa aking pisngi at pinagdaop ang aming mga kamay. "I still want to be in your life, Tami. Gustong-gusto ko."

"Dash... please... let's just make it easy. Make it easy for the both of us." Pakiusap ko.

Mas lalo niyang hinigpitan ang hawak sa aking kamay. "Tamiya, first time kong magkaganito."

Kumawala ang hikbi sa aking bibig kasabay nang panginginig ng aking katawan.

"I'm happy you tried to love me. You tried to give yourself a chance to love again. Despite of the shortness of time, I'm lucky for I was the man who made you smile again. Kahit na hindi ganoon kaliwanag kung paano ka kayang pangitiin ng lalaking 'yun. Atleast... kahit papaano, napangiti ko ang babaeng nagturo sa aking magmahal."

Unti-unti niyang niluwagan ang hawak sa aking kamay. Unti-unti rin ang pagkalas niya sa yakap. Pinihit niya ako at hinagilap ang aking mga mata.

He wiped the tears on my face as he stared at my eyes.

"If he ever tries to hurt you again, I'll teach him a lesson."

He held my hand and kissed the back of it.

"Kapag pinaiyak ka niya, paiiyakin ko rin siya. I'll take you away from him. Kapag ginago ka niya, mas magiging gago ako." Ipinikit niya ang mga mata at hinalikan ang aking noo. "Kaya kitang ipaglaban pero siguro nga mas kailangan kitang sundin. Mas kailangan kitang pakawalan. Ayokong maging pabigat sayo. Sa nararamdaman mo. This is the first time I've fallen in love with a woman who's worthy of every best thing in the world. And your happiness is one of those."

Gamit ang isa pang malayang kamay ay dinala niya ito sa aking pisngi at marahang hinaplos.

"Mahal na mahal kita Tamiya."

"Forgive me..." Usal ko.

"You don't have to ask for forgiveness. You never cheated. You have the heart that every guy dreams to win." He gave me a bitter smile. "Hush... my girl." Muling tumulo ang kanyang luha.

Pinunasan ko ito sa nanginginig na mga kamay.

"Ito na 'yung huli... huling beses kitang matatawag na akin." Kinagat niya ang ibabang labi at bumuntong-hininga. "But... we can still change it. You can be mine again. Kapag sinaktan ka niya, itatayo kita. Aalalayan kita. Don't forget about it, okay?"

Marahan akong tumango.

"Don't give in too fast. Not yet. Let him work hard. Let him sweat out the rigor. Let him know and realize your worth so he won't do the same mistake."

"T-thank you Dash." Hinaplos ko ang kanyang pisngi. "Patawarin mo ako. Alam ko 'yung sakit. Alam ko 'yung hirap. At ayokong lumala pa ang mga nararamdaman mo."

Muli niyang kinagat ang ibabang labi at marahang tumango. Hindi na ako nakapagsalita dahil sa hikbing kumawala sa aking bibig.

Binitawan niya ako. He turned his back and sprinted to the door. Nang makaalis siya at marinig ang malakas na pagsara ng pinto ay napaupo na ako.

Ang sama-sama ko para saktan ang lalaking walang ginawa kundi ang alagaan at mahalin ako!

"Dash... I'm so sorry."

Don't Play With Fire (Published under Pop Fiction)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt