Datum 10 : Instincts

Start from the beginning
                                        

Mula sakanilang trolley ay naroroon ang iilang mga bagong bumbilya at mga electrical supplies and tools. Tahimik silang rumoronda at chine-check ang bawat prison lights na madaanan nila.

Kunot noo ko silang pinagmasdan. Electrical maintenance sa madaling araw? That's kinda weird, or baka masipag lang talaga ang mga empleyado sa settlement na ito to the point na nakalimutan na nilang matulog.

I immediately observed those lamp bulbs on the ceiling. Mukhang hindi naman sila defective nor nagpapakita ng kahit anong sira. 

Pinagmasdan ko ang kanilang paglapit saaming kinaroroonang selda. They planted their automatic ladder as one of them checked the connection of the said lamp.

Mula sa may paanan ng hagdan ay naroon ang isang taong mukhang tulad ko, ay hindi rin pinalad sa height at may kung anong device na inabot sakanyang kasamahan.

Mukhang napansin niya ang aking pagmamasid at napalingon saaking kinaroroonan. Agad kong binawi ang aking tingin at nakuntento nalang sa pakikinig sa usapan nila Ivann.

Naririnig ko ang paglayo ng trolley at muling umalingaw ngaw ang boses ng dalagang lieutenant.

Nang biglang..

*TEEEEEEEET*

Umalingawngaw ang isang manipis at nakakabinging beep sa kung saan. Napatayo ako at wala pang 3 segundo ay agad na kumalat ang kadiliman sa loob ng buong settlement.

Narinig ang tunog ng mga nagambala at gulat na gulat mga bilanggo sa paligid nang kusang bumukas ang mga automatic rails ng lahat ng pinto ng selda.

An..anong.. anong nangyayari?

Agad na napukaw ng isang maliwanag nag pag spark mula sa itaas ang aking atensyon. Napatingala ako as I witness neon blue sparks of electricity from the prison lights illuminated its path towards the cables and wirings of the ceiling and creeped its way patungo sa pinaka malaking electrical supply generator sa gawing itaas.

Sh*t!!

Nanlamig ang aking kalamnan as I hurriedly took the remaining seconds and ran outside of the cell.

"Ivann!!! Revienne!! Kuya Von! Run!!!!"

But it was way too late..

*BOOOOOOMMMMM!!!!*

Umugong ang isang napakalakas na pagsabog mula sa ceiling causing a massive chaos to lurk on every single corner of the settlement. Hindi nagkanda ugaga ang mga bilanggo sa pagtakbo as the ceiling debris began to crumble its way down.

Thick and heavy smog covered half of the damaged settlement making the hallway barely visible. Tanging ang nakakapanlalambot at nakakatindig na balahibong sigaw ng mga bilanggong balot ng matinding sakit at takot ang umalinagaw-ngaw sa buong lugar.

The whole place was covered in chaos and screams of agony as the authorities then try to execute a mass evacuation. Pilit akong napatayo while being pushed and bumped around by a river of prisoners rushing their way out of the place.

Hindi mahagilap ng akig paningin ang aking mga kasamahan na lubos kong ikinabahala.

"Ivann!!!! Kuya Von!!!!!! Miss Revienne!!!!" I desperately screamed at the top of my lungs hoping for their response ngunit the sound of the mass stampede mimicked my weak and trembling voice.

Bigla ko nalang naramdaman ang isang malakas na pagbangga saakin causing me to stumble upon the dusty floor. Gulat akong napatingala as I hear some familiar screams piercing through the heavy piles of ceiling debris mula sa hindi kalayuan.

Code 365 Project MemoryWhere stories live. Discover now