Datum 10 : Instincts

Comenzar desde el principio
                                        

Narinig namin ang kanilang yapak paalis ng aming area, nang biglang..

"Ikaw ba si Ivann Greysonn..?" Napalingon ako nang muling tawagin ng isang opisyal ang aking pansin. 

Nanlaki ang aking mga mata nang mahagilap ng aking paningin ang isang pamilyar na dalaga mula sa tabi ng nasabing opisyal.

"Lieutenant Revienne Solinn wants to have a conversation with you.." 


Ielvy's Point Of View

Tila bay nawala ang aking antok nang marinig ko ang pahayag ng nasabing opisyal sa labas ng seldang kinaroroonan ni Ivann.

Agad akong napatayo mula saaking higaan at nagmadaling sumilip sa rehas upang mapa kalma ang isang matinding kuryosidad. 

Natigilan ako nang tuluyang masalubong ng aking mga mata ang nasabing bisita ni Ivann sa kalagitnaan ng gabi. 

It's her..!!

"Uy Ielvy, matulog kana, wag ka nang maki chismis pa dyan..." 

Napabalikwas ako ng tingin mula sa kabilang selda nang marinig ko ang boses ni kuya Von na walang panama ring sumilip sa kanyang rehas.

"Ohh!! siya na ba yung opisyal na chikababes na iniligtas ni Ivann?" gigil niyang sambit. Napa poker face nalang akong napalingon sakanya.

Nagsalita ang hindi chismoso.

Napaupo ako sa tabi ng rehas at napatingin sa kisame. Hindi man appropriate na makinig sa usapan ng iba but it left me no other choice.

Maintaining a good relationship with that woman would be some kind of help to us.

"Why would you ever said that to them?" napatitig ako saaking kamay nang nagsimulang magsalita yung dalagang nagngangalang Revienne.

"The fact that you and your companion had saved me is a way na makakatulong upang maabswelto kayo sa gulong ikinasangkot ninyo. Why would you lie like that?!"

"We have reasons. And its none of your business----" 

"Its my responsibility! Ivann!!"

Napalingon ako sa may rehas nang marinig ko ang kanyang tumataas ngunit nag aalalang boses. 

"Its my responsibility to return the favor!! You had saved me  and its my turn to save you!" she whole heartily exclaimed.

Napabuntong hininga ako sakanyang mga sinabi. Hindi ko maiwasang makaramdam ng awa sakanya. She's really willing to wash away our crimes, but...

Napatitig ako saaking mga tuhod na mariin kong niyakap. 

Hindi namin maaring talikuran ang aming misyon. Its our duty to protect him and walang maaring humadlang roon kahit ang iyong matinding kabaitan.

The fact that we will be out of Xavierheld's eyes and protection will definitely destroy his future reign.

Nagpantig ang aking mga tainga ng makarinig ako ng isang malakas na hilik mula sa kabilang selda. Malamang si kuya Von yun. Parang baboy ramo kung makatulog.

Natitiis ba talaga siya ni lady Stella ng ganyan?

Agad akong napalingon nang makarinig ako ng tunog ng isang papalapit na trolley. 

Ano kaya yun?

Out of curiosity ay dahan dahan akong napasilip sa labas ng rehas just to find out na tulak-tulak pala iyon ng iilang taong nakasuot ng full rubberized suits.

Code 365 Project MemoryDonde viven las historias. Descúbrelo ahora