"Where's Serenity?"

"Naka'y Forrah." Sagot niya.

"What?"

Patayo na ako ngunit pinigilan niya ako. "Hayaan mo na. Malapit na rin ang loob ni Serenity kay Forrah. Baka magwala 'yun kapag bigla mo siyang kinuha."

Inis akong napabuntong-hininga.

"Kung kani-kanino mo pinapasama 'yung bata! Baka kung ano ang matutunan niya sa malanding Forrah na 'yon!"

"Ang laki talaga ng galit mo kay Forrah. Kung talagang naka-move on ka na kay Fire, hindi ka makakaramdam nang ganyan."

Napaharap ako sa kanya. Nakatingin siya sa kulay asul na dagat.

"Hera, naka-move on na ako-"

"Really?" Nilingon niya ako. Lumarawan ang hilaw na ngisi sa kanyang mga labi. "That's not what I see, Tami. You never moved on. I can see it. If you really did, you wouldn't dig in the past."

"Hera!"

"'Wag mo akong lokohin. Wag ako. I am your closest cousin. Halos sabay tayong lumaki kung hindi lang tayo nagkaiba ng school na pinasukan noong highschool."

Iniwas ko ang tingin at dumampot ng buhangin. Tumapon ito sa aking kamay nang buksan ko ang palad. Ilang sandali ay katahimikan ang namagitan sa amin.

"Kung hindi tayo naghiwalay ng school noon ay makikilala mo siya agad. Malaki rin ang posibilidad na ikaw ang unang magkagusto sa kanya." I smiled bitterly.

"How could you say that?"

Nilingon ko siya. Napansin kong nakangiti na rin siya.

"Gwapo e. Kaso saksakan ng yabang." Natawa ako nang maalala kung paano siya nag pakilala sa buong klase. "Pero siya 'yung mayabang na hindi ko akalaing itatayo ako noong mga oras na kailangang-kailangan kong bumangon. Inalalayan niya ako patayo. He did everything to make me happy. He did unusual things that made me undeniably happy."

"You did love him." Saad niya.

Hindi ko pinansin ang kanyang sinabi. "You won't believe this... napilit ko siyang magpa-manicure at pedicure sa akin." Niyakap ko ang aking mga tuhod at ikinatang ang baba dito. "Nagpamake-up din siya. Kung 'yung paglilinis ng paa at kamay niya sapilitan, 'yung pagpapa-make up hindi. He's the one who insisted. He's really beautiful, Hera. He would beat many girls with his looks."

Hinawakan niya ang aking ulo at inihilig ito sa kanyang balikat. Hindi ako nagprotesta. Naramdaman ko ang comfort sa ginawa niyang paghaplos sa aking balikat.

"We loved to go to MRC. Kahit madalas kaming mag-asaran, hindi kami nag-aaway. Nangyayari lang 'yon kapag may pinagseselosan siya."

Ipinikit ko ang mga mata at mariing kinagat ang ibabang labi.

"Would you believe if I tell you how jealous I was whenever Forrah's name was being mentioned when we're together?"

Naramdaman ko ang kanyang pagtango.

"Minahal ko siya nang sobra at higit sa sarili ko. Halos hindi na ako nagtira pero sa huli masasaktan din pala ako." Muling kumawala sa mga labi ko ang mapaklang ngiti. Hinawakan ko ang kanyang kamay sa aking balikat. "Akala niya ba siya lang ang nasaktan? Akala ba niya siya lang ang naghirap? Hindi, Hera. Kasi sa totoo lang... doble-doble 'yung tama sa akin."

Idinantay niya ang ulo sa akin.

"I couldn't forget that prom night. That was the time that I almost cried. Sa harap niya. Sa harap ng maraming tao. Biruin mo si Tamiya Azia Dela Vega, iiyak dahil sa isang lalaki? Iiyak kasi niloko?" Tinatagan ko ang aking loob. "But then again... he didn't know... they didn't know how hard it was for me to act strong, to act like I didn't care anymore. Kaya nga dinaan ko na lang sa pagsigaw. Dinaan ko na lang sa paraang magmumukha pa rin akong si Tamiya."

Don't Play With Fire (Published under Pop Fiction)Where stories live. Discover now