Nilingon niya ako. Kumislap ang lungkot sa mga mata niya.

"May kilala ka bang babae? 'Yung babaeng kayang pagwalain ang puso ko katulad nang ginagawa mo?" Hinawakan niya ang kamay ko at bigla na lang akong hinigit paupo sa tabi niya.

Huli na at hindi na ako nakapagprotesta.

"If you know someone that is kindred to you, let me meet her." Aniya. "If you can't, then stop asking me to do what you want to happen."

Binawi ko ang aking kamay.

Napatingin siya sa sarili niyang kamay at muling bumaling sa akin.

"Si Forrah, siya na lang. Wag na lang ako. Kunin mo siya sa pinsan ko. She doesn't deserve Conrad-"

"Hindi ko kayang gawin ang sinasabi mo. Ikaw lang ang kaya kong kunin-"

"Altamirano!" Mariin kong sabi.

Nanlaki ang mga mata ko nang may tumulong luha sa kanyang pisngi. Tumawa siya at mabilis iyong pinunasan ngunit nagsunud-sunod iyon kaya wala rin.

"I'm sorry for loving you 'til now. I really can't stop. Forcing myself to love someone who is not you is damn difficult."

"Sana kinaya mo kasi ako nakaya ko!"

Tumungo ako dahil hindi ko makayang umiiyak siya sa harapan ko. Ulit. This was not him. Sapat na ang luhang pinakawalan niya noon.

"'Coz you're a witch. A beautiful witch who enchants me until now. Sana kaya mong bawiin ang mantra na ginawa mo. Kasi sa totoo lang... kahit sinong babae pa ang lumapit sa akin, ikaw pa r-rin." Pumiyok siya.

Kumuyom ang mga kamay ko nang makita ang paggalaw ng kanyang mga balikat at ang paulit-ulit niyang pag-iling.

"Patayin mo na lang ako, Dela Vega. Para naman wala nang manggugulo sa'yo. Para matahimik ka na." Muli siyang tumingin sa dagat. "Para matigil na rin ang sakit na nararamdaman ko. Patayin mo na lang ako. Literal na pagpatay."

Kinalma ko ang sarili at tumayo. Pahakbang na ako nang bigla niyang yakapin ang mga binti ko.

"Altamirano... hayaan mo na akong maging masaya!" Saglit kong pinagdikit ang mga labi. "Hayaan mo na ako kay Dash! Nagmamakaawa ako sa'yo!"

Nanatili siyang nakayakap sa akin.

"Ako ang nagmamakaawa sa'yo. Kahit mukha na akong tanga, kahit alam kong pinapahirapan kita. Nagmamakaawa ako. Hayaan mong sumaya ulit ako. Bumalik ka na sa akin-"

Pilit kong inalis ang mga kamay niya sa aking binti ngunit hindi siya nagpatinag.

"Napakamakasarili mo talaga! Hindi ko magagawa ang pinapagawa mo kasi hindi na ako sasaya sa'yo! Dash is my happiness now!"

Doon siya napabitaw. Humakbang ako ngunit agad ding napalingon nang maramdaman ang kanyang pagtayo.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang paglusong niya sa dagat. Kasabay niyon ang malakas na pagkabog ng aking dibdib.

"Hoy! Anong ginagawa mo?"

Hindi siya sumagot. Nagpatuloy lang siya na parang walang narinig. Hanggang sa lagpas dibdib na ang tubig.

Shit! Anong ginagawa niya?!

Nang hindi ko na siya maaninag ay tumindi ang takot ko. Iginala ko ang paningin at nakitang may mga kaunti pang tao sa ibang cottage ngunit busy ang mga ito.

"Altamirano! 'Wag ka ngang gago!" Hinubad ko ang aking dress at ihinagis ito sa buhanginan.

Nagmamadali akong lumusong at lumangoy. Nahirapan ako dahil malakas ang alon. Malakas ang hangin at hindi ko alam kung nasaan siya.

Don't Play With Fire (Published under Pop Fiction)Where stories live. Discover now