At the end nabugbog ko silang tatlo at buti naman na nakakatayo pa sila, nakatakbo pa nga. Sinabi rin nung isa na babalikan daw nila si Dessirie. So I just raised my Middle Finger to them.
As if naman.

Nang hindi ko na sila nakita.
Agad ko namang tiningnan si Dessirie. Na kanina pa pala dumadaing.

"Ano ba kasing ginawa nila sayo?" Sabi ko sabay alalay sa kanya.

But she didn't respond to my Question. Umupo lang kami sa may Bench.

"Yung Kanina... Salamat." nakayukong sabi niya.

Hindi ko nalang pinansin yung sinabi niya at tinanong nalang siya. Mas mabuti ngang magtanong nalang ako kaysa Clueless ako sa mga naencounter niya ngayong araw.
"Care to explain kung bakit naabutan kitang ganun?"

"Ah, Sila yung kapitbahay ko sa dati kong apartment..." Mas napayuko siya.

"Then?"

"Nag-umpisa kasi 'yon last year. Lagi nila akong sinasaktan kapag wala akong perang binigay sa kanila... hindi ko alam kung bakit sa akin sila umaasa...H-hindi ko sila maintindihan. Akala ko hindi na nila ako susundan, kasi sa inyo na ako nakatira... pero habang pauwi ako kanina, hinarang nila ako at pinilit hanggang sa maab-utan mo a-ako..." humihikbing kuwento niya.

"Why are you crying?" tanong ko.
Kasi hindi ako sanay...na kikita siyang umiiyak dahil ang lagi ko lang nakikita sa kanya ay ang aura niyang masaya at ang mga ngiti niya.

"Kasi...akala ko okay na lahat. Akala ko wala nang manggugulo sa akin. Ilang taon narin akong mag-isa at tinatago lahat ng sakit. Unlike you, You're Strong. Ako pinipilit ko lang..." she clenched her fist.

"Wala-" pinutol niya 'yong sasabihin ko.

"Wala akong alam?" Then she laughed while crying.

"Ano ka ba Yohan, lahat na ata alam ko sa:yo. Akala ko sasaya ako kapag lagi kitang sinusundan, Pero pinagtatabuyan mo lang ako. I just want to give up kasi sobrang nasasaktan na ako. Tao ako Yohan, Hindi ko kasalanan na Nafall ako sa'yo. Nagmahal lang kasi ako. Pasensiya ka na sa Abalang pinag gagawa ko. If you want aalis nalang ako sa inyo, so that wala ng mang aabala pa sa'yo. Sige, Goodby-"

Hindi ko na siya pinatapos dahil hinatak ko siya para Yakapin.

I can't believe na nagawa ko 'yun sa kanya.

It's Just that... natamaan lang ako sa sinabi niya, nakaramdam ako ng Kirot sa mga salita niya.

And I don't know kung bakit naramdaman ko at naisip ko na bigla nalang na mananahimik yung buhay ko. Yung wala akong sisigawan, walang araw na hindi ako maiinis kung wala siya.

Niyakap ko siya nang Mahigpit and She Cried. I patted her head and hinaplos ng dahan-dahan ang kanyang mahabang buhok.

"Shhh." pagpapatahan ko sa kanya.

"Let me think about it, okay?" Bulong ko sa kanya.

Naramdaman kong tumango siya.

Hinawakan ko siya sa kanyang mga balikat at hinarap siya. Pinunasan ko yung mga Luha niya at sinabing-

"Okay, then. Let's go home?" tumango siya.

Ako ang unang tumayo. Dahil sa aming dalawa, kamay lang ang problema sakin. Then inalalayan ko siyang tumayo pero natumba siya.

Wala akong Choice kundi tumalikod nalang ako sa kanya at sinabi ko nalang na Piggy back ride. Akala ko mag-iinarte pa siya gaya ng ibang babae, pero naramdaman ko nalang na dahan-dahan naman siyang sumakay sa likod ko.

Dahan-dahan naman akong tumayo at nag-umpisa na akong maglakad nang sakto lang. Ni hindi ko nalang pinapansin yung sakit ng Kamay ko.

Nang makarating kami sa Motor ko. Maingat ko siyang Inangkas sa Motor at Marahan ko rin binalance.

Pinatakbo ko na yung Motor ko, sa Pagtakbong 'yon...

She hugged me. Tight...

...Dahil sa Bilis ng pagpapatakbo ko.

I must say that she's very strong. She doesn't have her parents with her, and she only live by herself.

But I didn't hate the fact that I did these things Tonight. It actually felt good for me.

----------------------------------------------
NOTE:

@__@ UGH. HUHUHUHU

I CAN'T UNDERSTAND.

..

APRIL 13, 2016
WED
9:39PM

N

I Miss Her (#AAA2017)Where stories live. Discover now