"At sinong nagsabing uuwi akong talunan, eh, Captain?" I replied as I cut the call on my headset. 

Agad akong napatigil saaking paglakad nang tuluyan na akong makarating sa desk. Sinalubong naman ako ng ngiti ng isang professionally-looking na service crew ng nasabing establishment.

I smiled in return


Ielvy Serenity's Point Of View

Halos mabali na ang takon ng aking suot na sandals nang finally ay nakarating na ako sa street kung nasaan nakatayo ang isang pamilyar na optical shop.

Dalawang oras na ang nakalipas nang maka receive ako ng isang tawag galing sakanila, patungkol sa nawawala kong eyeglasses.

Hindi ko maiwasang magtaka sa kung paano nila nakuha muli iyon, eh kung ako mismo ay hindi ko alam kung saan ko iyon naiwala, ngunit malaki parin ang pasasalamat ko sakanila.

Hindi ko maaring maiwala ang bagay na iyon, pagkat yun nalang ang tanging natitira niyang alaala saakin.

Handa akong magbayad ng kahit magkanong halaga, basta maibalik lang saakin ang salaming iyon.

Nagmadali akong naglakad patungo sa mala diyamante nitong pinto. I just gazed upon my reflection until the door then welcomed me.

Hindi na ako nagpaligoy ligoy pa at agad na pumasok sa loob. Kunot noo akong napatigil ng aking paglalakad nang mapansin ko ang isang malaking crowd na pumapaligid sa claim counter ng nasabing tindahan.

Shoot! kung kailan naman nagmamadali ka. Letse! ano nanamang kaguluhan to?

Walang alinlangan akong tumungo sa nasabing crowd. Mukhang hindi talaga mahulugan ng karayom ang nasabing kumpol ng halos puro mga kababaihang hindi na alam kung saan ilalagay ang tili sa katawan.

Pilit kong iniiangat ang aking ulo nagbabakasakaling masulayapan kung ano ba talaga ang sanhi ng delay at kaguluhan sa shop na ito, ngunit mukhang hindi talaga ako pinalad sa height kong 5'3''

Napakamot na ako ng ulo sa inis. Sh*t! Hindi ako dapat pang magsayang ng oras. Kailangan ko ring makabalik ng hideout as soon as I can, kundi tutustahin ako ni Ivann.

"Makikiraan po. Dadaan lang po." I said nang hindi na ako makapagtimpi at tinangkang sumuong sa nasabing crowd. What on earth? nasaan ba ang crowd control group nila dito?!

As I tried to pushed through my way in, agad akong napatulak palabas dahil sa biglang pag atras ng mga tao saaking harapan, causing me to bump into a person on my back.

Umugong ang tunog ng kalansing ng mga nahulog na babasaging glass tea cup sa matigas na sahig aming tinatapakan.

Natahimik ang buong crowd as I immediately looked at my back, just to realize na may isang napakagandang babaeng nakasalampak ng upo kasama ang iilang piraso ng nabasag na mamahaling tea cup sa sahig.

Napakagat labi ako nang matanto kong siya pala ang aking nabangga. Mukhang hindi isang ordinaryong babaeng tatanggap ng simpleng sorry ang aking naabala. 

Kung minamalas ka nga naman ng todong todo.! 

Maswerte parin ako at hindi nadaplisan ng natapong tsaa ang kanyang mamahaling sapatos at damit, nor nasugatan ang kanyang mala porselanang balat.

To this point, all eyes were on us. Shit..

"Are.. are.. you alright?" nag aalala kong sabi at patarantang kumuha ng tissue wipes saaking bag. I attempted to help her stand, ngunit agad akong itinulak ng kanyang mga kasamahan.

"What. the. heck!!!" 

Manipis niyang sigaw saakin. Hindi pa nakuntento at marahang kinuha ang isang basong juice na hawak hawak ng kasamahan niya and yep, just as I expected, tulad sa mga kontrabida sa isang teleserye.....

*Splassssh*

Napapikit ako as I felt the sticky juice covered my formal polo shirt. Umugong ang kakaibang reaction ng crowd sa nasaksihan nila. 

"Ang tanga tanga mo kasi!! bagay lang yan sa mga tulad mong hindi nag iingat." malakas at mataray niyang sigaw sakin.

Nang biglang..

"Shoot!!! What the.. Babe!!!" 

Napalingon ako sa likod nang marinig ko ang isang pamilyar na boses ng lalake. Natigilan ako at nanigas saaking kinatatayuan nang bigla niyang hatakin ang aking kamay at dali daling akong pinunasan gamit ang kanyang mabangong panyo.

"I..Ikaw.. Ikaw.. yung--" nauutal kong sabi.

"Nasaktan kaba? ha? babe?" nag-aalala niyang sabi na nagpakunot ng aking noo.. Babe? what the hell?

Agad naman siyang napalingon dun sa mataray na babae. Mabilis niyang kinuha ung isa pang baso ng juice sa hawak hawak nung isa pang kasama nung babae.

Naging mabilis ang buong pangyayari, at sa isang iglap walang kaatubili niyang isinaboy sa ulo nung babae ang nasabing malagkit na juice na lubos na ikinagulat ng lahat sa loob.

Napangisi siya at ihinulog ang iilang piraso ng tig 1000 na bill sa tinatapakan niyang sahig.

"Bumili ka ng mas may class na damit, nagmumukha ka kasing bayaran. Mag pa salon ka, baka may pag asang gumanda-ganda yang pag uugali mo."  he said without any hesitations na lubos ikinalaki ng mga mata ko.

"Next time, kilalanin mo ang mga binabangga mo. Don't you dare touch my girl again." he said as he pulled me along with him.  

A..ako?.. ako?? gi..girlfriend? ano.. ano daw??!!!! what?? what? HUWAAAAAATTT?!!!

Agad niya akong ikinaladkad palabas ng nasabing shop. Pilit akong nagpupumiglas ngunit agad niya akong hinawakan sa braso.

"Te..teka! ano ba..at kailan mo pa akong naging 'Babe' aber?!"

"Please naman. I just saved you from the total embarrassment back there.."

Rasonableng sagot niya at agad naman ding dumating ang kanynag bluetooth controlled red sports car. Dali dali niya akong pilit na isinakay roon at agad na hinawakan ang manibela.

"Teka!!! saan mo ako dadalhin!!!" natataranta kong tanong ngunit hindi na siya nag atubiling sumagot he then looked at me. 

"Fasten your seat belt, babe. Were going on a date." 

Nanlaki ang aking mga mata saaking narinig. Kunot noo ko siyang tinignan.

"At kailan mo pa akong naging 'Babe?!!" sigaw ko.

But he just then smirked as he stepped hard on his car's accelerator. 



*** To be  Continued

________________________________________________________________

IELVY'S POINT OF VIEW

Kung inaabutan ka ba naman ng sandamakmak na kamalasan ngayong araw na ito!!! Hindi ko alam kung sino ba talaga ang pakay ng mga yun!!

Hindi ko naman maaring hayaang mapahamak ang isang to!!

Pe..Pero.. panong nangyari ang ganito?!!!

Next On Code 365 Project Memory : Datum 7 : Gunmen

"I Trusted you, Howard!!"

________________________________________________________________















Code 365 Project MemoryWhere stories live. Discover now