"Seryoso ka? Bakit ang kalmado mo pa?" Mas lalong nalukot ang kanyang noo.

"Matakot ka kapag kalmada ang dagat, kasi kapag dumating ang bagyo sobrang laking pinsala ang ihahatid nito." Mahinahon kong sabi at ngumisi.

Tumitig siya sa aking mga mata. Tumikwas ang ulo ko at tumingin sa kisame.

"You saw pobre?" Tanong ko.

"Huh?" She obviously didn't get me.

"Pobre. Si Forrah. Iyong isang mabait, daga, na lumalapit sa kesong pag-mamay-ari ng iba." Muli ko siyang tiningnan.

Nalukot ang kanyang noo. Muli akong tumawa.

"Ang bestfriend ko, ang hina ng ulo." Sabi ko at naghalukipkip.

Kumurap siya at sumandal sa inuupuan. Naiiling siyang ngumisi. "Hindi ako bobo. Kasali ako sa top, uy!" Paala-ala niya.

"May mga top na nangongopya lang." Napatingin ako sa pinto nang makaramdam ng presensya.

Hindi siya nakatingin at nakatungong dumiretso sa kanyang upuan.

"May mga tao kasing nangunguha ng pwesto na hindi dapat sa kanya. Kung sa pag-aaral may kalaban ka, sa pwesto ng puso ng isang tao ganoon din." Malakas kong sabi.

Mula dito sa aking kinatatayuan ay napansin ko ang pagderetso niya ng upo.

Naglakad ako patungo sa kanyang direksyon. Tumigil ako sa harap niya. Dahan-dahan niyang inangat ang ulo para tingnan ako.

Matamis akong ngumiti. "Good morning, Forrah. Ang aga mo ata?" Panimula ko.

"G-good morning." Pilit siyang ngumiti. "May aaralin kasi ako." Mahinhin niyang sabi.

Tumango ako. Iniwas niya ang tingin at binuksan ang kanyang bag. Tumaas ang kilay ko nang maglabas siya ng lumang notebook.

"That's your notebook? Can't you buy a new one?" Tumagilid ang labi ko. "Oh wait!" Umalis ako sa harap niya at bumalik sa aking upuan.

"What are you doing? You're bullying her!" Mahinang sabi ni Jillian.

"I'm not." Sagot ko. "May ibibigay lang ako sa kanya."

Matapos kong kunin ang kailangan ko ay bumalik ako sa puwesto ni pobre.

Inilapag ko ang bago pa at walang kasulat-sulat na notebook. "Sayo na lang."

Napatitig siya sa dito.

"Wag ka nang mahiya. Wala ka namang ganun diba?" Muli akong nagpaskil nang matamis na ngiti.

Tumunghay siya at nagtama ang aming mga mata.

"Hindi ko kailangan niyan. May notebook pa ako." Lumunok siya. "Salamat na lang."

Bumuntong-hininga ako. "Why don't you accept it? You want to have the things I have, don't you?"

"Hindi kita maintindihan." Sagot niya.

Dinampot ko ang notebook at inihagis ito. Nanlaki ang mga mata niya sa gulat. Ang mga bagong papasok na estudyante ay napatigil. Walang kakurap-kurap ko siyang tinitigan.

Nanginig ang kanyang mga labi at rumehistro ang takot sa mukha.

"Hindi mo maintindihan?" Hinawakan ko ang kanyang braso nang mahigpit. "Scholarship. Courtship." Umigting ang panga ko. "Fire. You. Me." Mariin kong bigkas. "Hindi mo pa rin alam?"

"Tamiya, nasasaktan ako-"

"Bobo ka pala eh!" Sigaw ko at marahas na binitawan ang kanyang kamay. "Naturingan kang running at kumakalaban sa akin para maging valedictorian tapos ay wala ka man lang kaide-ideya sa sinasabi ko?" Sarkastiko kong tanong. "You can't get everything from me, out at elbows bitch! Fight fairly! Hindi 'yung kakapit ka sa taong may kakayahang tumulong sa'yo!"

Don't Play With Fire (Published under Pop Fiction)Where stories live. Discover now