27th: It's official.. :)

Start from the beginning
                                    

Nanggigigil na bahagya ko itong sinabunutan. "Babae ka! Yang bibig mo talaga!"

Bumungisngis lang ito pero bahagya namang hininaan ang boses, "Sorry ha, na-carried away lang. Ang sarap kasi ng topic! Haha! By the way, to answer your fabulous question, hmmm, Oo na hindi."

Kunot-noo ko naman itong tiningnan, "Wat'd'yah mean?"pa-slang na tanong ko.

"I mean, 'OO' talagang masarap with a capital O-O. Kaya nga marami ang naloloko makatikim lang ng 'S'. Lalo na pag mahal mo ang ka-'Do' mo? Ohhhw-emm-gii.. Iba yung sensation.. Kahit na pagod ka na, gugustuhin mo parin."kagat-labing sagot nito. Hindi ko alam kung matatawa ako o hindi sa itsura nito. Daig pa kasi nito ang niroromansa sa pagsasalita nito. Feel na feel talaga!

Pero nagulat nalang ako nang maya-maya ay sumimangot ito.

"Bakit?"takang tanong ko.

"Alam mo ba yung kasabihan na 'Para matuto, kailangan mo munang masugatan ng ilang ulit'?"tanong nito.

"Ahmm, kinda?"alanganing sagot ko. Hindi ko mapigilang mapangiwi nang marealize ko kung ano ang ibig nitong sabihin.

"Hindi naman sa tinatakot kita ha? Pero yung nababasa mo kasi sa mga romance novels na 'masakit lang sa simula pero maya-maya ay puro pleasure na?' Hayy naku! Hindi totoo yun! Masakit sa simula hanggang sa matapos.. Tapos sa pangalawang ulit, ganun parin! Minsan nga pati sa pangatlo at pang-apat.. Nakakaloka... Maliban nalang siguro kung maliit ang makakauna sa'yo, that would lessen the pain. Hahaha. Kaya kng ako sayo, dapat ulit-ulitin mo para madaling mabura yung sakit.. Para mapapa-"oohhh..ahhhh.." ka na ng todo." mahabang paliwanag nito with matching facial expressions pa na tila niroromansa!

Napakamot nalang ako sa ulo... Mukhang hindi mabuting ideya na nagtanong ako ng ganitong bagay sa babaeng ito.. Mabuti pang nag "google.com" nalang yata ako!

Napuna naman nito ang bahagyang pamumula ko sa topic namin, "Wag ka na mahiya te. Hindi ko naman pagsasabi na pinaghahandaan mo na yung 'first night' nyo ehh.. haha!"

"Of course not! Curious lang ko no!"depensa ko na lalong ikinatawa nito.

Pero maya-maya lang ay bigla din itong sumeryoso..

"Alam mo naman siguro na "Curiosity kills the cat?" Kaya wag ka sana masyadong padala sa curiosity mo. Dapat bago mo isuko ang Bataan, siguraduhin mo muna na siya na talaga.. Madalang nalang kasi ang dalisay na kagaya mo ngayon.. Wag kang gumaya sa akin."seryosong saad nito.

Gusto ko sana itong tawanan dahil hindi ako sanay na ganito siyang magsalita. Pero nang nakita ko ang sinseridad sa mata nito ay nakangiting tumango-tango nalang ako.

Laking pasasalamat ko at nagkaroon ako ng ganitong kaibigan.. May pagka lukaret man kadalasan ay may mga pagkakataon parin naman na seryoso ito at masarap kausap. Gaya ngayon.

Plano ko na sana itong yayain umakyat sa opisina nang may pangahas na biglang umakbay sa balikat ko.

Nakahanda na ang depensa ko laban sa pangahas na lalake nang maamoy ko ang pamilyar na amoy nito.

Unti-unti ko na naman naramdaman ang pamilyar na tibok ng puso ko na sa isang tao ko lang naramdaman.

"Hi honey."simpatikong bati nito saka ako hinalikan sa pisngi.

Hindi ako nakahuma agad. Ilang segundo din akong nakatulala lang dito dahil parang nalunok ko pati dila ko sa kilig dahil sa ginawa nito.

Wala na sariling napatingin ako sa paligid. At biglang nanumbalik sa realidad ang wisyo ko nang makita ko ang halos lahat ng empleyado na nakatingin sa amin.

Worried expression written on my face.

Pero nang tingnan ko si Iñigo, tila balewala lang dito ang lahat.

"Why honey? Aren't you glad to see your boy friend?"malambing na tanong nito saka marahan pa akong hinaplos sa pisngi.

Lalong nanlaki ang mata ko sa ginawa nito.

"I-Iñigo.... pinagtitinginana na nila tayo."nag-aalalang bulong ko.

"And so?"balewalang sagot naman nito.

"Aren't you worried? K-kasi..."

"Shhhhhh.. Why should I? I don't give a damn on what others might think about us honey. I don't care about them. All I care is you. How I love you and how we love each other. It's all that matters.  Kung pwede nga lang na ipagsigawan ko sa lahat na akin ka na, ginawa ko na eh. Sorry for the word my love but I am proud to say that you are MINE now. Only mine."sinserong sabi nito saka hinalikan ang kamay ko.

Unti-unting nawala ang takot ko dahil sa ginawa nito pero napalitan naman iyon ng milyon milyong kilig na siyang napabilis na naman sa kanina pa mabilis na tibok ng puso ko.

Nabibingi na naman ako sa lakas ng tibok ng puso ko pero unti-unti narin akong nasasanay.

Sa paghihinang ng mga mata namin ay nakaramdam ako ng seguridad.

Sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko ay hindi ko na naririnig ang ingay sa paligid.

Pati ang impit na pagtili ni Angel ay hindi ko narin namalayan.

Napatingin lang ako dito nang makita ko ang pagtawa ni Iñigo.

"Sorry ha. Hindi ko na kasi napigilan! Akala ko kasi Kathniel itong punapanood ko! Gravity, mahihiya ang love team nila sa inyong dalawa! Sheettt.. Kailangan ko na ngang umalis bago ko pa tuluyang mamiss ang irog ko."pilyang sabi nito bago lubusang umalis.

Napatawa nalang kaming dalawa sa sinabi nito at hinatid nalang itong tanaw.

Nang lubusan na itong makalabas ng canteen ay naramdaman ko na naman ang paggagap nito sa kamay ko kaya sige na naman sa pagrigodon ang puso ko.

Nginitian ko nalang ito upang pagtakpan ang kilig na forever ko na yatang mararamdaman sa lalakeng ito.

"May pupuntahan ka ba mamaya?"tanong nito.

"Wala naman. Why?"sagot ko.

'Yayayain mo na ba akong magtanan?' Lihim na bulong ko.

"Uwi tayong Tarlac."sabi nito.

"Buti?"takang tanong ko. Wala kasi sa schedule namin ang pag uwi sa amin this week end.

"Kakausapin ko na ang family mo. Pagpapaalam narin kita kila nanay at tatay, pakasal na tayo." biglang sagot nito na nagpahinto sa paghinga ko.

Mulagat na napatingin ako sakanya pero unti-unting nanumbalik sa normal ang paghinga ko nang makita ko ang pilyong ngiti nito. Loko-lokong lalake! Akala ko naman totoo na!

Kunway kinurot-kurot ko ito na natatawang iniwasan naman nito.

Nang mahuli nito ang mga kamay ko ay muli nitong dinala sa mga labi nito.

"I love you Leanne..." sinserong bulong nito.

Nabibingi man sa lakas ng tibok ng puso ko ay dinig na dinig o parin ang sinabi nito.

"I love you too Iñigo.." I replied and kiss him shortly on the lips.

Napangiti naman ito sa ginawa ko.

Hindi ko na pinagtuunan ng pansin ang mga tao sa paligid at sa halip ay sinuklian ng matamis na ngiti ang ngiti nito.

-------------------------------------------------------------
(A.N.: Hi guys! Sorry po kung nagbago itong chapter na ito.. Nagkaroon kasi ng conflict yung ginawa ko sa phone at yung ginawa ko kahapon sa PC..

Anyway, thank you po ulit sa mga walang sawang nag-antay ng update ko...

Sa million readers, thousand voters and thousand comments na kung alam nio lang po kung gaano ako pinapakilig sa tuwing nababada ko, SUPER THANK YOU! I really really appreciate all of it guys...

I love you all..

Oh siya, next chapter na po.. Enjoy reading!

Mwaaah!!! ❤❤❤

❤sweety jasmine❤

I'm inLUST with my BOSSWhere stories live. Discover now