"Bango mo a? Naunahan mo pa akong maligo."

Tumahol siya at muli akong dinilaan, natatawa kong iniwas ang mukha ko.

"Breakfast is ready," ani ni Rouge.

Napawi ang ngiti kong bumaling sa kanya. Nakasandal na siya sa pintuan habang pinagmamasdan ang paghaharutan namin ng aso niya.

He cooked breakfast. He cooked in my kitchen again.

Kumulo ang tiyan ko bigla kaya bumangon na ako at dumiretso sa banyo upang maghilamos at magmumog. Wala na si Rory paglabas ko, sumunod marahil kay Rouge sa kusina. Rinig ko pa mula rito ang tunog ng bell niya.

Puno ang counter pagkatapak ko sa kusina. Inatake ako ng bango ng kape at kung ano mang niluto niyang ulam. I'm guessing it's fried. Walang dining table dahil ang island counter sa gitna ang hapag kainan ko. May apat na high chairs na nakapalibot dito.

Umupo ako sa tapat ni Rouge na kakalapag lang ng mga basong may lamang tubig at juice para sa 'kin. Pinagpalit ko ang baso namin. I drink water first thing in the morning. Ngumiti lang siya sa ginawa ko.

"Hindi ka umuwi?" untag ko. Dinungaw ko si Rory sa baba na nag-aabang na ang ang bibig. Hinatian ko siya ng kaunting piraso ng bread at sinubo iyon sa kanya.

"May kinuha ako sa unit ko then I went back here," ani ni Rouge. Pinalaman niya ang bacon sa pancake. My nose crinkled. That tastes good for him? I couldn't tell since I don't eat it so I won't judge.

"Dito ka natulog?"

Huminto siya sa pagsubo at hindi makapaniwala akong tinignan. "You didn't know? Tabi pa nga tayo eh."

Akala ko pinatulog niya lang ako at umalis na siya. I had even thought my dream was real.

Pinilig ko ang ulo ko. Ayaw ko nang maalala iyon. Iisipin ko pa lang ay umiinit na ang mukha ko at hindi malayong mahahalata niya iyon. He would ask me about it for sure. Well, madali lang namang magsinungaling at pagbintangan ulit ang aso.

Tinaliman ko siya ng tingin nang makitang bumaba sa dibdib ko ang mga mata niya. My boobs perked just by thinking about my dream and now he's ogling at it. Intensely.

Binalikan niya ang mukha ko at agad nag-iwas. Ngumuso siya, nagpipigil ng ngiti. "Sorry, can't help it."

"You have zero shame, Rouge," akusa ko. Marahas kong nilamon ang wheat-bread toast.

"It's about time for you to realize," ngisi siyang ngumunguya. He looks good at it but I'm still annoyed at him.

After all Rouge's confessions of his perpetual feelings for me, ewan ko kung ano kami ngayon. Pakiramdam ko nagtataksil ako kay Zavid kahit hindi naman kami. The word 'engaged' brought an emotional pressure. Kung ano mang mamamagitan sa 'min ni Rouge, we have to keep other people in the dark. Especially my father.

Kahit anong gawin ko, magagawa pa rin ni Rouge na pabalikin ako sa kanya. Nakatali man ako sa iba o hindi, Rouge has already installed a hook on me so he can pull me back to him right away as pronto as Captain Hook's hand does.

Hawak ko man ang kamay ng iba, tinali na ako ni Rouge sa isang lugar na siya lang mismo ang pwedeng magmamay-ari sa 'kin. Wala akong kawala. Talo pa ang ahas sa kamandag niya. Nilason na niya lahat ng pagpipigil ko't depensa laban sa maaari niya ulit gawing pagpapasakit sa 'kin.

I can't admit it just yet. Kung aaminin ko man sa kanya ang gusto niyang marinig mula sa 'kin, handa na ang humihikab na butas sa puso kong tanggapin ulit ang sakit at palalain ito. Would I be able to handle it this time? Baka aabushin niya ang pagmamahal ko. But why am I thinking of Rouge this way? I love him, so I should trust him.

RGS#1: TO BREAK AN AFFAIR (PUBLISHED)Where stories live. Discover now