EIGHT

161K 4K 1K
                                    

Isang swipe ng keycard at bumukas ang pinto ng condo ni Rouge. Ang view sa labas ng bintana ang unang bumungad sa'kin dahil nakatapat ito sa direksyon ko. Wala 'yong kurtina kaya kita ang pagtama ng ulan sa bintana at ang nanlalabong imahe ng citylights.

Pagbuhay ni Rouge sa mga ilaw ay tiningala ko ang tumapat sa'king minimal ceiling light. Simple lang ang condo niya, pero elegante. It's manly and minimal.

Nasa puti at krema ang kulay ng mga pader. Kulay puti ang mahabang sofa na may asul na mga unan. Kaunti lang ang mga furnitures niya, and they're all in dark wood maliban sa dining chairs na kulay puti rin.

May hagdan sa gilid at ang ilalim nito nakapwesto ang tv. The stairs are made of dark wood, too. Isang gilid lang ang may handrails dahil sa kabilang gilid ay ang pader kung saan may mga frames na naghahalo sa photography photos at painting.

Isang two bedroom loft ang stilo ng condo. Ito ang gusto kong kunin. Pero kailangan pa naming makapagtapos ni Lauris bago kami bumukod.

Sa mahal ng kotse niya, he inhabits and eats in simple places. Boys as usual. They're willing to empty their wallets in cars more than any other things.

Nilagay ni Rouge ang susi sa glass key bowl na nasa mesa katabi ng sofa. Nilingon niya ako nang hindi pa ako umaalis sa kinatatayuan ko.

Nag-angat siya ng kilay, waiting for me to sit.

"Basa ako." sabi ko, mas hinigpitan ang kapit sa kanyang suit.

Mas lalo akong nanlamig sa pagtitig niya. He's damn serious! Na parang may nasabi akong kina-offend niya. Pinilit kong pasanin ang bigat ng kanyang pagtitig. It's just too heavy and...brooding na halos mapaluhod at mamilipit ako.

Bumuntong hininga siya na hindi ako nililisan ng kanyang pagtitig.

"I didn't bring you here just to make you stand there and not wet my sofa. Feel at home, Lory. I don't care with the furnitures. Kahit maputikan mo pa ang upuan."

Sinundan siya ng mga mata ko. Pumasok siya sa isang bukana sa gilid. Narinig ko ang pagbukas ng ref at paglapag ng isang babasaging bagay.

Prinoseso ko pa ang sinabi niya. He sounded harsh at malupit rin ang pagtama nito sa utak ko. Sandali pa akong tumunganga bago kumilos at magtungo sa sofa.

Mukha siyang iritado. Ayaw ba niyang nandito ako? Kung ganon bakit niya pa ako dinala rito?

Pinakalma ko nalang ang sarili ko sa paghaplos sa sofa. It has a soft texture, at mukha pang bago. It's somewhat velvety. Dumudulas ito sa'king palad.

Tumingala ako at nakita ang laman ng second floor. May isang malapad na haligi sa pinakagilid na nakatapat na at sasalubong sa pag-akyat mo sa hagdan. Gawa ito sa dark grey slate slabs. Siguro nasa likod nun ang kama.

May dalawang pinto naman sa pinakaloob, ang isa'y nakaharap sa'kin at ang isa'y nasa kabilang gilid. Palagay ko ay cr yun.

Isang maliit na tahol ang pumutol sa'king pagsuri. May bumabang kulay light brown na tuta at sa mukha palang, alam ko na ang breed nito. It's one of my favorite breeds of dogs! Otomatiko akong napangiti.

Tinawag ko ang tuta sabay pitik ng aking daliri. Hinihingal itong lumapit sa'kin at sinandal ang dalawa niyang paa sa'king tuhod. Humagikhik ako. This puppy is so hospitable. Hinaplos ko ang ulo niya. The puppy whined at parang gusto nitong sumampa sa kandungan ko.

"Haven't you eaten, yet? I'll cook dinner."

Nakatayo si Rouge sa bukana ng kitchen na may hawak na baso ng nangangalahating tubig. He's casually dressed in his gray v-neck and dark jeans. His pecs are about to explode from that raw material. It would never go unnoticed dahil namamasa ito dahil sa ulan.

RGS#1: TO BREAK AN AFFAIR (PUBLISHED)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें