TWENTY EIGHT

149K 3.5K 432
                                    

Namamanhid pa ang mga binti't braso ko pagkarating namin sa aking condo. Dumiretso ako sa couch upang maupo. Maingat na nilapag ni Lauris ang susi sa glass table.

Nasundan kami ng hangin ng tensyion sa mga nangyari kani-kanina lamang. Kapwa kami tahimik ng kapatid ko, at alam kong katulad ko'y binalikan din niya ang mga pangyayari.

Miski ako hindi makapaniwala sa ginawa ko. Ngayong kalmado na ako, doon palang nagsink-in lahat kung gaano ako ka-brutal. I was beyond mad! I was provoked! Kinain ako ng aking emosyon at ngayong iniluwa na ako nito, nakahinga ako ng malalim.

Ramdam ko ang titig ni Lauris. Animo'y kinalabit ng mga mata niya ang pasa sa braso ko dahil sa matinding pagkaka-hawak niya sa 'kin mahila lang ako palayo kay Antonia.

"Huwag mo akong tignan ng ganyan Lauris na para akong isang kriminal," ani ko, halata ang pagod. Nakaka-drain din pala ng lakas ang galit.

"Well are you not?" halos pag-histerikal niya. Tumuro siya sa labas. "You almost killed the woman! And you didn't even come close to care! You scared the fuck out of me back there." Napailing siya.

"Sorry okay? I was provoked."

Ginulo niya ang kanyang buhok kasunod ang padabog niyang pag-upo sa tabi ko. Kita ko ang frustration at takot niya.

"Lory, she's pregnant! Walang kasalanan ang dinadala niya sa galit mo. Grow some conscience for pete's sake! At may mas ligtas naman na paraan upang ilabas ang galit mo sa kanya. Hindi yung..." mabigat siyang nagpakawala ng hangin.

Nawala sa isip kong buntis si Antonia. Doon ko pa lang naalala nung nakita ko ang dugo sa kanyang binti.

Marami talagang nagagawa ang galit. Nakakalimot din. It can even make you forget how to feel. It can make you lose your mind.

"Now you see why I don't do serious, Lory. They can either change you, or break you. I choose not to risk myself." Bigla niyang sabi.

Binalingan ko ang kapatid ko na ngayo'y nakatakip ang palad sa mga mata, his elbows are at his thighs. Sa aming dalawa, siya ang lumalayo sa gulo.

As much as possible he doesn't want to involve himself in any trouble. Wala nga akong maalala na may sinuntok siya. He's everybody's bestfriend. Kaya sa mga nangyari kanina, hindi siya sanay. This is a shocker to him. Hindi na ako magtataka kung magkaroon siya ng trauma.

"Bless your soul."

Tumayo ako at nagtungo sa kusina. I need the cold water to run in my throat to atleast calm my still trembling nerves. Nung hinugasan ko na ang baso sa sink ay napatitig ako sa mga kamay ko. Did I really do that?

Inaamin kong nakaramdam ako ng guilt sa pisikal na pananakit ko sa kanya. She slapped me yes, but it was nothing compared to what I did to her. Ramdam ko pa ang paghampas ko ng ulo niya sa sahig...kung paano ko dinaganan ang kanyang tiyan...

Naikuyom ko ang aking kamao. Pinagsisihan ko man ang ginawa ko, it didn't change the fact that I detest her. But she still deserved an apology from me. It doesn't mean that she has to forgive me and vice versa. No forgiveness for now. Kusang loob binibigay ang kapatawaran at sa ngayon, hindi ko pa 'yon maibibigay o matatanggap.

After all may rason pala kung bakit hindi ko magawang magustuhan si Antonia. I may have found out about it too late, but it never changed the fact that it is the sole reason of my then inexplicable hatred.

Sunod kong natitigan ang aking daliri. The absence of my ring reminds me of his plea a while ago. Mabilis ko 'yong inalis sa isip ko at bumalik sa sala.

Nakapameywang si Lauris habang may kausap sa cellphone. Sumenyas siya sa 'kin na kailangan niya rin ng tubig kaya bumalik ako sa kusina upang salinan siya. Pagkablik ay inabot ko sa kanya ang baso na kunot noo niyang tinanggap. Napangiwi siya sa lamig na hatid nito sa kanyang lalamunan.

RGS#1: TO BREAK AN AFFAIR (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon