TWENTY NINE

143K 3.6K 333
                                    

        Sinamahan ako ni Lauris sa condo. Halata niya ang labis na pamamaga ng mga mata ko at pamumula ng aking ilong kaya agad na niya akong inuwi rito.

Hirap na akong makatulog mag-isa. Kung dahil ito sa mga nangyari then it's understandable. This just needs a getting used to. Sana lang ay panandalian lang.

"Yes manang, dalhan mo na rin ng pagkain baka hindi pa nakakain si dad. Matagal pa bago sila makauwi sa bahay, kayo po muna bahala diyan."

Kausap ng kapatid ko si manang sa cellphone. Pagod akong nakaratay sa kama ko habang pinapanood siyang nagpalakad-lakad animo'y nangangati ang paa niya.

"Sige po, thank you po."

May tinitipa pa siya bago sinilid ang phone sa kanyang bulsa. Nilingon niya ako.

"Anong gusto mong kainin?" untag niya.

Umiling ako. Mapait ang nalalasahan ko sa dila ko kahit uminom na ako ng tubig.

"I know you're still hurting, Lory. But you have to eat. Nakakabawas sa sakit 'yung pagkain." Nagpakawala siya ng mahinang tawa.

Tipid akong ngumiti. He's trying to make me laugh.

"Wala talaga akong gana. Ikaw nalang kumain." Garalgal ang aking boses.

Suko siyang bumuntong hininga. Matagal pa niya akong tinignan bago siya lumabas ng kwarto. Rinig ko ang mga pagkilos niya sa kusina.

Umiba ako ng posisyon sa paghiga dahil nangangalay na ang aking braso. Ngayong nakadapa na ako ay mas ramdam ko ang pag-sikip ng aking dibdib. Inabot ko ang aking cellphone na kanina ko pa inaabangan ang pag-tunog. I'm waiting for tita's call. Sana lang hindi niya nakalimutan ang sinabi ko sa kanya kanina.

Hindi ko nasabihan sina Lila at Jezreel sa mga nangyayari. I'm waiting for my own nerves to calm down. At isa pa hindi ko pa yata kayang makipag-socialize ngayon.

Maybe I have to try and get out, baka sakaling mag-iba ang mood ko't bigla nalang mag-ayang mag-bar, which is very inappropriate basing from the situation right now.

Kinabukasan ay sumama ulit ako kay Lauris sa DC. Nagkaroon ako ng sariling orientation sa building premises dahil marami na ang mga nagbago. It's also my own way of distraction kaya sinali ko na ang mga pagtanong sa mga pamamalakad dito.

Sinimulan na akong ipakilala sa mga empleyado. May iba na pamilyar na sa 'kin, ang iba naman—'yong mga bagong hire at hindi ako masyadong kilala dahil bilang lang ang mga araw na nakapunta ako rito—ay ngayon lang alam na anak ako ng may-ari.

Nakasalubong namin ang mga naghahalakhakang mga lalake at kabilang doon si Zavid. Dahan-dahang naglaho ang ingay nila nang makita nila kami. Nabaling ang kanilang atensyon sa kapatid ko saka sila nag-usap tungkol sa isa na namang proyekto.

Lumapit sa'kin si Zavid at ngumiti. Sa palagay ko ay walang pormal na tuldok ang pinag-usapan namin kahapon, pero sapat na rin naman ang nalaman ko kaya wala na siguro akong dapat alamin pa mula sa kanya.

"Madalas ka na yatang tumatambay dito sa DC. May renovation bang nagaganap sa kompanya niyo?" biro ko sa kanya.

Malakas siyang humalakhak. Nahawa ako kaya napangiti lang din ako. I need this. Ito ang distraction na kailangan ko.

"Nakipag-meet lang ako sa isa sa mga engineers niyo. It's about the pending project. May adjustments kasi sa blueprint," aniya, halata pa rin ang aliw sa mga mata. Zavid's downturned eyes are expressive.

"How are you, Lory?" bigla niyang tanong.

"Kakakita lang natin kahapon." Mahina akong natawa.

Naglaho ang kanyang ngiti at naging seryoso siya bigla. "Yeah. But how are you, really? You know what I'm talking about."

RGS#1: TO BREAK AN AFFAIR (PUBLISHED)Where stories live. Discover now