TWENTY FOUR

152K 4K 2.5K
                                    

        Hiniling ko na sana panaginip lang ang nangyari kahapon. Pero sa maingat na tinging pinupukol nina Lauris at Shirley sa'kin ngayon sa hapag kainan, pinapatunayan nitong wala niisa doon ay panaginip. It's all real. Painfully real.

"I'll visit mom's grave, dad," basag ko sa katahimikan.

Pinoproseso ng dila ko ang may pagkamaasim na yogurt na iba sa natikman ko dati. Ibang brand yata nabili ko. I thought all yogurts taste the same.

"I can't Lory, maraming projects ang DC ngayon. I even need your brother's help with me." Tipid niya akong ningitian.

"I'll go alone, then," pasya ko.

"Antonia could accompany you. I'm sure she's not busy."

Pagak akong tumawa. Not in MY mother's grave, dad. Kung ako ang nakalibing doon, and my husband's cheating wife was stepping on my grave, hihilain ko ang paa ng babaeng 'yon pababa at siya ang ililibing ko ng buhay.

"Baka biglang mabuhay si mommy at hihilain siya pababa sa kabaong." mahina kong sabi.

"What is it?" tanong ni dad.

"Nothing. I said I'll go there alone," walang gana kong sabi.

Sinimulan ni dad ang pagbanggit sa mga pinag-usapan nila ni Rouge kahapon. As much as how I wanted to avoid it, sa lahat yata ng sulok ng bahay na'to ay nabahiran na nang hindi magandang alaala para sa'kin. Pinalabas ko sa kabilang tenga ang mga sinabi ni daddy. A mention of Rouge's name or any Verduzco-related topic sends a massive sucker punch to my gut.

"The man is goal-oriented. I think you had a wrong impression on him, dear." ani ni dad kay Antonia.

"He's rugged." Halos tikom ang bibig niyang sabi.

Hindi ko mapigilang sumingit sa usapan at muling manudyo sa kanya. Her playing that innocent-card na as if walang nakakita sa ginawa niya kahapon ay nagpapukaw sa  inaantok ko pang galit.

"Come on Antonia, so what if he is rugged? Atleast he's hot. Don't you agree with me? Pati nga ang may asawa na ay kayang magtaksil para sa kanya. He is that hot, Antonia. Sinfully hot."

Natahimik ang buong mesa sa aking pagtayo. Hindi ko na nagawa pang ubusin ang nasa plato. Dumiretso ako sa kwarto upang maiwasan ang pagkakataon nilang usisain ako, lalo na si daddy na paniguradong sesermonan ako sa aking inasal.

Ngayon ko napagdesisiyunang lumipat sa condo pagkatapos kong puntahan ang kampusanto. Inabala ko ang sarili kahapon sa pagiimpake ng mga dadalhin kaya paghahanda nalang ang gagawin ko ngayon.

Tinawag ko si Leo para ibaba ang mga gamit. Pinatulong ko na ang isa pang driver na kasama niya upang mas madali silang matapos.

Pagkatapos kong maligo ay sinilid ko ang mga toiletries sa isang kit at nilagay sa dadalhin kong bag. Kinuha ko sa kama ang hinanda kong damit na aking susuotin.

Isang ordinaryong araw lang ngayon para sa iba, but the torture of yesterday drag its wake today. So technically, para lang akong may nilalamayan. I'm not the emotional type of girl pero feel ko lang na magsuot ng itim ngayon.

Sumisikip pa rin ang dibdib ko sa tuwing naalala ko. I tried blocking my thoughts, pero dahil sariwa pa ang mga nangyari, iintindihin ko nalang na mahirap pa 'yong kalimutan.

May kumatok sa pinto kasabay ang boses ni Leo. "Ma'am, may ibababa pa po?"

Ginala ko ang paningin sa kwarto habang kinakabit ang butones ng aking jeans. Nakita ko ang nag-iisang box malapit sa dresser. Tinulak ko ito gamit ng aking paa patungo sa pinto.

"Last na 'to. Mamaya pa pupunta sina dad sa DC, di ba?" tanong ko. Binuhat na ni Leo ang kahon.

"Opo ma'am. Mahahatid ko pa po kayo." aniya.

RGS#1: TO BREAK AN AFFAIR (PUBLISHED)Where stories live. Discover now