ELEVEN

154K 4.1K 943
                                    

Nasalo ko ang aking hininga nang mabagal at maingat na tumawid ang kanyang kamay sa'king likod at hinila pa ako palapit sa kanya. My back is bare, at sa paglapat at haplos ng balat ng palad niya'y nanginig ako.

May hinawi pa siyang mga hibla ng buhok ko sa likod at pinagilid sa aking balikat. Suminghot siya sa buhok ko. Naalala ko ang ginamit na hair mousse ni Jezreel, sana nagtagal pa ang bango ng produkto.

"You smell great." he murmured through my hair.

"You too."

Mababa ang bahagya niyang tawa.

Bumaba ang kanyang labi sa tenga ko saka bumulong. "I miss your scent in my car."

Napangiti ako. "Bilhan kita ng perfume ko, then spray it all over your car."

Muli siyang tumawa ng bahagya. I've been longing to hear that laugh for about a week now.

Ramdam ko sa'king kamay ang pag alog ng malapad niyang balikat. His suit is a slim fit, the perfectly tailored fabric clung enough to his lean and muscular frame.

Not to mention he smells so great, too. Parang gusto kong balutin ang sarili ko sa kanya upang dumikit ang amoy.

Sa paghila niya sa kanyang mukha palayo buhok ko ay dumulas ang magaspang niyang panga at baba sa'king noo.

"Congratulations." nag angat ako ng tingin sa kanya.

Dinungaw niya ako. Sumasayaw ang makulay na lights sa kanyang mga mata. "Thank you."

"You know how to operate a ship?" tanong ko.

"I have a background on operating yachts and speedboats. In ships, pag-aaralan ko pa."

"Hmm...so you tried sailing?"

Tumango siya. "In San Diego. I owned a yacht in there."

How was he able to own a yacht at twenty three? Me and Lauris can't even have a unit until we graduate. Spoiled ba siya ng ama niya?

Basing from their argument in the parking lot weeks ago, I don't think na binibigay sa kanya lahat ng luho. He's being guided and disciplined. He must have worked hard on it. Blood and sweat. Kung paano, I don't know. Through his furtive strategies, I guess?

"I've known you enough as someone who inhabits in a simple dwelling place, Rouge. While you spent your money on an expensive car and this..." nilibot ko ang paningin sa marangyang top deck.

Nagsalubong ang kanyang kilay't nanliit ang mga mata. "What are you trying to denote, Lory?"

Umiling ako at napangiwi. "This is too over the top."

"Don't you like it?" ang tono niya'y parang na-offend ko siya sa sinabi ko.

"I love it. But looking at all these lights and the goldish embellishments... sobra pa yata sa kalahating halaga nitong barko ang pambayad sa utang ng Pilipinas."

Nagdadalawang isip ako kung tatakbo ba ako upang pagtaguan siya dahil sa tinging hinandog niya sa'kin animo'y nasisiraan ako ng bait. Nahinto kami sa pagsasayaw.

Ilang beses siyang kumurap bago tumingala habang aliw na aliwng tumatawa, like I was stating a joke. Hindi ko naman talaga maiwasang manghinayang.

"I don't do mediocre when it comes to business, Lory. If I have to spend as much, then I will. Moreover, I'm in the lap of luxury so..." nagkibit balikat siya na parang wala lang sa kanya ang natapong milyones.

"So pinagyayabang mo? You squander just for the hell of it?" hindi makapaniwala kong tanong.

I could never tell if he's being selfish o gusto lang talaga niyang gumastos ng mahal. I'm not judging, curious lang ako sa kung ano ang nasa loob ng utak ng isang taong kayang magpagawa ng ganito karangyang barko.

RGS#1: TO BREAK AN AFFAIR (PUBLISHED)Where stories live. Discover now