FOURTEEN

157K 3.8K 315
                                    

Sumabay ako kay Lauris papuntang school kahit mamaya pa ang defense sa thesis namin. Maaga rin naman si Shane para sa paghahanda, at isa pa mas lalo akong nagiging anxious kapag nandito ako sa bahay.

Pumuslit ako ng isang go-to breakfast ni Lauris bago siya sinundan sa sasakyan. Dahil sa pagmamadali ay di ko na nakuha pang mag-agahan. Kaagad niyang nahalata ang kinakain ko.

"That's yogurt." turo niya sa hawak ko habang nagba-backing.

"Obvious?" hindi ako sanay sa lasa since it's a dairy product. Napangiwi ako dahil medyo may pagkamaasim.

"You're a vegetarian. Vegans don't usually have milk products on their diet." aniya.

"I'm changing my vegan type."

Matagal niya akong tinitigan, nagtataka sa biglaang pagbabago. Mas pinoproblema niya pa yun kesa sa pinuslit kong pagkain niya. This is the last piece in the ref, I guess he doesn't mind. He can always have another dahil hindi naman siya nauubusan.

Tatlong araw mula nung gabing hinatid ako ni Rouge sa bahay. He's been texting me since then. At hindi ko maialis sa isip ko ang mga sinabi niya. I think I'm too old to feel a heart fluttering moment pero hindi ko mapigilang makaramdam ng ganon.

He got me at he-won't –do-it again. He got me by that kiss on his Maybach. I had my fair share of kisses but not open mouth caresses like what he did to me that night.

At kahit anong pagpupuwersa ko sa sarili na ayaw ko, na layuan siya, he's just a personified magnet na matatagpuan mo nalang ang sarili mong bumibigay sa grabidad niya. I have a love and hate relationship towrds his irrevocable pull on me.

But everybody hurts. Either I end up dating him or not, somewhere along the way I would still be able to feel pain. I would still go back to the pain caused by loss. So why not just take the risk than losing the chance? Doon pa rin naman ang punta ko kung saan ako inilaan.

Giving in to Rouge's like choosing what's right or wrong. At kahit anong daan man ang piliin ko, hindi magbabago kung saan ako hahantong. That modestly justifies that our destinies had already been written.

Sa pagkanta ng message tone ko sa cellphone ay isang tao lang ang inasahan kong nagtext. Asa pa akong kokontakin ako ng mga kaibigan ko sa ganitong oras.

Rouge:

School today?

Pakiramdam ko'y alam na niya ang sagot so I won't answer the clichéd Yes. Hindi ko na rin kailangan pang alamin kung paano niya nalaman ang sched ko sa office at school. He's too smart to not figure that out.

Thesis defense.

Kita ko ang sandaling pagsulyap ni Lauris sa pagtitipa ko.

Rouge:

Need my assistance?

Kunot noo kong inipit sa pagitan ng aking binti ang yogurt at binasa ulit ang reply ni Rouge.


Now? You're at work.


Rouge:

I'll ask for a day off.

Wala sa sarili akong umiling saka nagreply.

Please don't. We can handle.

I don't want him to abandon his job for me. Nag-replay sa utak ko ang paghaharap nila ni Sir Herman. Ayaw kong maulit 'yon.

Rouge:

Goodluck ;)

Baliw na nga siguro ako kung hiniling ko na sana pinilit pa niya ako, at the same time ay sumang-ayon ako na hindi siya namilit pa. Pero siguro mas disappointed ako na ito lang ang naging reply niya, like this text is the closure for today's conversation.

RGS#1: TO BREAK AN AFFAIR (PUBLISHED)Where stories live. Discover now