FORTY TWO

163K 3.5K 284
                                    

Ilang sandali ang lumipas bago ko nagawang kumawala kay Rouge. Kinain ako ng kahinaan dahilan upang nangailangan ako ng karamay. But now that I'm done venting everything, babalik kami sa dati. Maybe that means lashing at each other's throats again.

"Lory..." ayaw niya akong pakawalan. Mas humigpit lamang ang yakap niya. Desperado at nangangailangan. Pinagpapawisan na ko sa kakaiyak pati na sa kainitan ng hubad niyang pang-itaas.

Kung iisipin niyang lalambot ako dahil lang sa mga sinabi at pinagtapat niya, hindi ganon kadali iyon. It is even more complicated now because of the engagement.

At isa pa nasa paligid lang si daddy, so seeing us like this, he would freak out! Baka bigla iyong magtawag ng pari at ipakasal kami ni Zavid bukas!

"Lory—"

"Not now Rouge." Diniin ko ang kamay ko sa matigas niyang dibdib at malakas na hinila ang sarili palayo. His hands lingered on my waist kaya umatras pa ako.

"Mainit ka pa, atleast let me take care of you..." malambing niyang ani.

Pinasidahan ko ang aking buhok saka inayos ang aking shirt na hindi siya tinitignan. The last thing I want to get involve myself right now is to get lost in his stare. Mahirap na, baka hindi ko na matagpuan ang daan ko pabalik.

Kinuha ko ang hard hat sa silya. "I handled myself pretty well yesterday, so taking care of myself alone today won't make such a difference."

Sabay naming nilingon ang mahinang pagkatok sa pinto. Si Rouge ang nagbukas since siya ang mas malapit. Niluwa nito si Yucille na kay Rouge agad dumapo ang mga mata.

Bumaba ang tingin ko sa paa niya. She's on her heels again. Hindi nila nakita ang pag-ikot ng mga mata ko. Naligaw na naman siya sa construction site imbes na sa runway ang pupuntahan niya.

"Rouge! Sir Marquez said nabagsakan ka raw ng steel ladder. Are you okay?" hinaplos niya ang braso ni Rouge na may pag-aalala.

Alinlangang lumingon sa 'kin si Rouge, parang nanghihingi ng permiso. Tinaasan ko siya ng kilay.

Binalikan niya si Yucille at pumeke ng ngiti. "I'm fine, Yucille."

Kinuha ni Rouge ang shirt niya sa bed saka ako nilapitan. Humakbang ako paatras.

"Oh, ikaw rin Lory?" untag ni Yucille. Nakatingin siya sa braso ko.

Tipid akong tumango.

"Alis na ako." Walang emosyon akong bumaling kay Rouge na nakatayo lang doon. "She's here to take care of you."

Mabilis pumagilid si Yucille nang makitang sumulong ako palabas ng clinic. Hindi ko pa rin alam kung ano ang naramdaman niya sa 'kin nang nasangga ko siya noong isang araw but I think it's not a big deal to her.

Right now, I just want to get away as much as possible. As possible, which is equivalent to uncertain. So hindi ako sigurado. After Rouge's confession which I still find hard to believe, the possibility of staying away fell to the surface as fast as how the steel ladder fell down on Rouge's back.

Kinuha ko ang aking bag sa office trailer bago nagpunta sa sasakyan. Hindi ko mahagilap si daddy upang makapag-paalam but I think alam na niya na uuwi ako dahil siya na mismo ang nag-suggest.

Hinagis ko sa backseat ang bag. Inabot ko ang pintuan sa driver's seat. Matibay na kamay ang pumigil sa akma kong pagbukas ng pinto. May karahasan ang pag-pihit sa 'kin ni Rouge upang maharap ko siya.

Sinalubong ako ng frustrated niyang mukha na hinaluan ng inis.

"Seriously, Lorelei? Hindi pa ba sapat ang sinabi ko sa 'yo kanina? I said I—"

RGS#1: TO BREAK AN AFFAIR (PUBLISHED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora